Saturday, June 28, 2008

and so it happens again.

dalawang bagay ang iba sa laban ni pacquiao ngayon.

isa, hindi ko siya napanood at nagpapasalamat ako doon. dahil wala ang aking ama sa bahay at may pinuntahang kasal nakatakas ako sa sobrang habang litanya ng mga suntukan ng mga nasabing atleta.

pangalawa, nangyari ang sakuna--oo ang sakuna--bago manalo si pacquiao.

Is this all coincidence? The stampede caused by the TV Show Wowowee in Ultra happened thirteen (13) days after Manny Pacquiao's victory against Erik Morales. Mayon Volcano erupted and killed several in mudflow thirteen (13) days after Pacquiao's victory against Larios. Recently, Manny Pacquiao won against Barrera and thirteen (13) days after there was a bombing in Glorietta Mall in Ayala Business Center.


ang tinutukoy ko ay ang paglubog ng MV Princess of the Stars. binanggit sa'kin ni ate na baka magkaroon na naman tas naalala namin na nagkaroon na pala. sabi niya, ibig sabihin mananalo na naman si pacquiao? sabi ko, baka iba...dahil nauna ang sakuna. pero mukhang hindi. nanalo siya. at nabuwag din sa wakas ang pamahiin ng ilang mga tao. na may balat sa puwet si pacquiao. o baka meron talaga, ngunit di natin malalaman kailanman...

maliban nalang kung.. >:) :))

****
inuulit ko hong 09178515836 na ang mas madalas kong ginagamit na numero, para sa lahat ng mga may pakialam.

Thursday, June 26, 2008

stupefy

maybe i'm a masochist. haha. see i've been liking theo lately(as if i've been taking it up for so long now) but yes, despite having edilberto jimenez as professor. actually i find nothing wrong about him--so far. haha. so see, we haven't really started theologizing and reading scriptures and interpreting them and asking ourselves how our personal faiths are faring. we are still laying certain foundations so hopefully we can do theology well. so we have been talking about certain philosophical stuff--how the human person is a knower who is forever burdened with that unanswered question and that God is the Holy Mystery we may sometimes be terrified of but in the end the only thing that we are actually most familiar with. i like listening to this despite being stupefied[word of the day,haha] because ironically i have to be stupefied to learn new stuff. it's so great listening to people's ideas and that they actually make sense. maybe i'll enjoy philo. i hope i will. and so i have a few scribbled-down notes from theo this morning...

our minds are finite and are therefore incapable of grasping the infinite Truth (but we transcend...we go beyond this incapability because it is our innate goal to go beyond. magis,eh?)

ironically, the people who are most alive are those who are about to die. (in best cases...again,very ironically.)

death makes us want life.

nothing in this world can seem to satisfy our infinite thirst for love except infinite Love.

we are in this world, but we are not of this world.

we take comfort in mystery because we know that there are things we don't know and that mystery may contain the answers to all our unanswered questions. maybe, it is the indirect answer to our questions. mas mabuti na marahil na di natin alam ang sagot pero alam nating may sagot kaysa wala talagang sagot.

i knew i loved you before i met you; i think i dreamed you into life~
(haha)

****

did i mention that rica peralejo's in my theo class?and that she's a good speaker,and thinker?haha cool. and i heard about nikki castro just today.go look him up, if you don't know him yet. i'm telling you. his story touched me.

Friday, June 20, 2008

about getting a shrink

kar mentioned about getting a therapist. and so i replied,

hi kar.

me too. but it's not that there are a lot of things going on inside my head. quite the contrary, and it's driving me crazy.


i think i lost it. and i want it back.

*****
give it back. give it effin back :|

09178515836, do save. but don't delete the other one. thankyouverymuch. oh, and, we're gonna teach kids--elementary kids for LTS. T_T i'm hoping they're grade 6 pupils. haha. asa.

Wednesday, June 18, 2008

so...

dahil half day ako parati at kailangang umuwi nang maaga ayon sa mga batas pambahay at nagtitipid ako ng pera kaya sa bahay ako nanananghalian, ilang araw na 'kong nagiging batugan. wala pa ata gaanong dapat gawin pero dahil diniin ni sir darwin na deliberate practice daw ang kailangan para magtagumpay, sabi ko kanina today is math day. [ano raw? :| ] ngayon math ang aatupagin ko at magppractice ako ng mga limit pero kasi ala-ma19 palang kasi ngayon ang ma21,di pa siya nagpapakastar so medyo tinamad nako. yabang,uy. pero di nga.

so... wala. walang nangyari.

so...para di masayang ang math day...pucha labo.

gusto ko sanang imagine-in ninyo kung anong ginagawa pag dinidivide ang isang bagay sa "wala" groups. or in math, dividing a number by zero.

kasi pag zero divided by two, ang wala, hinati mo sa dalawa, wala pa rin. gets ko...parang hangin na ni-karate chop.

pero ang dalawa hatiin mo sa wala...

pa'no ivisualize? :(

sabaw...

so...walang kahit anong hint ng logic ang lumitaw sa blog post na ito. pasensya. t5..gawa naman kayo ng design para sa t5 shirt sige na :> :))

Monday, June 16, 2008

tignan nating kung marami ba

ang batas::ilista ang lahat ng mga pangalang itinawag sa iyo at kung sino ang tumatawag sa'yo niyon. pagkatapos, ipasa sa iba ang responsabilidad na sagutan ito.

ako ay si nicole basille castro de vera.

nicole basille castro de vera ang tawag sa'kin ng birht certificate ko at siguro sa iba pang mga mahahalagang dokumento.

nicole ang tawag sa'kin ng mga di pa ako gaanong kilala. tawag din sa'kin ni sir jimenez maski may koko na ngang nakalagay sa baba ng seat plan niya

basille ang tawag sa'kin ng mga naaaliw sa pangalan ko. tawag din sa'kin ni mrs. dino.

de vera ang tawag sa'kin noong panahon na nauso ang pang-aasar na pagtawag sa apelyido.

koko ang tawag ng karamihan ng taong kakilala ko.

koko-nut tawag ni jourdan

cocos nucifera, si jourdan din at si maki dahil sa botany noong first year first sem. aw. 18 ka na ba?

koonats ang tawag sa'kin ni kathy lopez at nakisali na rin si gacita,jescia at ewan ko na noon na nakuha sa...

kokskunatskilicious na tawag sa'kin ni sarah taguiam.

koks ang tawag sa'kin ng ibang mga tao

ko rin, para paikliin ang maikli na nga

kookay ang tawag sa'kin ng tatay ko pag nanlalambing

koki ang tawag sa'kin ni miko paminsan-minsan.

mike ang tawag sa'kin ni roxy dahil sa monster's inc. ako raw si mike wazowski dahil si jourdan si kitty at siya si boo at wala nang ibang tauhan na pwede kundi si mike. tira-tira, in short.

nikki ang tawag sa'kin ng mga nag-aassume na kapag nicole ang pangalan, nikki na ang palayaw. sorry, pero masyadong mabait ang tunog niyon para sa'kin.

kokers ang tawag sa'kin ni odi noon, na minsa'y pinaikli pa upang maging...

kers

kool-ot noong grade school, sigurado ako kay sarah sarmiento pero di 'ko alam kung may iba

juddy abbott dahil sa buhok ko sa isang natatanging class picture na ayoko nang sabihin kung alin. :| :)) courtesy of kae cainglet.

sili dahil sa sille, sabi ni jescia aquilizan.

cole dahil sa pagkuha ng dulo ng pangalan upang maging palayaw, di ko na maalala sino

kokodile na sa tingin ko ay napakaorihinal dahil di lang pala ako prutas, hayop din. at ibibigay ko ang credit para sa pangalang ito kay ana ramas.

payatot, dahil duh. :))

iyakin dahil duh uli.

haha aba'y marami-rami rin pala ano? kung may nakalimutan ako, sabihin niyo lang. hahahaha

Friday, June 13, 2008

random random

kinakain ng kaburyungan ang utak ko at tila sa pangungutya, inaasinan pa niya ito. :|

Thursday, June 12, 2008

balita ko birthday ni liberty hidalgo

at kasabay niyon, araw ng kalayaan. nakakaasar ang pakiramdam ko ngayon--kasi wala akong nararamdaman. marahil ay nababad na ako sa realidad ng kolehiyo, bagamat sinasabi ng theo prof naming ang kolehiyo ay lugar ng mga ideyal. nauupos na ang akin na parang kandila kagabi sa brownout. wala akong naiiisip na masabi para sa araw na ito, maliban sa ilang makasariling kalayaan na hindi ko pa nakakamit.

tulad na lamang ng sa katamaran. di pa rin ako naglalaba at di ko pa rin nalalabhan ang sample tshirt.

nariyan din ang matanglawin. ilang beses nang nagtext si bek tungkol sa renewal at malamang, hindi ako sumasagot. marami na rin sa inyong nagbabasa ng blog ko[asa] na ayaw ko nang bumalik doon. hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko para maging responsable(na hindi maaaring magpatuloy.pucha!kailangan kong maging responsable.). naaalala ko noon sabi ko masaya ako kasi gusto ko ang ginagawa ko. natuwa ako dahil wika ang una kong natalakay(bagamat wala pa sa 2% ng lumabas na artikulo ang isinulat ko noon,isama ba naman ako sa dalawang uh..big-timers.) at sumunod naman ang gang badoy article. yun talaga yung sobrang shet article para sakin e. pero di na nasundan, at pasama na nang pasama ang kinalabasan. sinabihan ako ni jescia na sa pagbabasa niya sa mga artikulo dun di niya mahanap yung koko sa mga nailimbag. ngayon hindi ko alam kung anong masisisi--ang kapangitan ng gawa at pangangailangang iedit nang todo-todo, ang kawalan ng puso ko sa mga ginawa ko, o ang pinakamasaklap na hindi na ako yung kakilala niyang koko.

ngayon hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin na di na 'ko babalik. o kung pa'no ako iiwas hanggang sa 'di na 'ko pwedeng bumalik pa. marahil ganu'n na nga. di na'ko magsasalita at hahayaang agnasin na naman ng panahon ang mga bagay-bagay at mangangatog na lamang sakaling bisitahin ako ng mga nagdaang multo. tulad ng dati.

maligayang bati, liberty hidalgo.

Monday, June 2, 2008

ano nga naman ang paki mo?

Ano nga naman ang paki ko, kung pinasulat ka ng tatay mo ng isang talumpati para sa kapatid mo? Anong kahalagahan niyan sa pag-inog ng mundo? Ano naman ngayon kung nakawala ka na sa mga luma mong pag-ibig? Sinlaki ba iyan ng mga tinatalakay na isyu ng senado? Ano nga naman ang paki ng mundo sa mga sari-sariling kwento ng kabataan na inililimbag sa Youngblood?

Matagal ko nang pinapangarap na magsulat para sa nasabing column--ang Youngblood ng Philippine Daily Inquirer na inilalabas sa commentary section nila tuwing . Nilalayon ng Youngblood na ilimbag ang iniisip ng mga kabataan ukol sa mundo. Binibigyang boses ng Inquirer ang mga 'di-umano'y walang magawa sa buhay--mga nasa edad 20-something at pababa. Hindi nga lang ako matuloy-tuloy na makapagsulat para sa Youngblood dahil unang-una sa lahat, Filipino ang ginagamit ko kadalasan. Pangalawa ay hindi ko pa rin nahahanap ang tamang paksa na isusulat--iyong mayroon talagang masasabing bahagi ko, iyong maipagmamalaki kong nailimbag(sakali lang naman) sa isang prominenteng pahayagan, at isang sa tingin ko'y may magagawang epekto naman sa mga babasa(muli,isang sakali).

Noong unang taon sa pag-aaral sa pamantasan ay kinailangan naming sumulat ukol sa aming buhay. Madalas gawing halimbawa ng aming guro ang Youngblood at ipinagmamalaki pa nga niyang naisama rito ang isa sa mga magagandang naisulat ng kanyang mag-aaral. Ako naman na sigurista, tinignan ko muna kung ano nga ba ang madalas na naililimbag sa Youngblood. Gamit ang ever-trusty internet, humanap ako ng mga Youngblood articles. Kasama sa mga hits na lumabas sa search engine ay ang mga talakayan ng iba't ibang tao tungkol sa Youngblood. May mga natutuwa at siyempre, mayroong hindi.

Hindi nila nagugustuhan ang Youngblood dahil nasasayang lamang daw ang pagkakataong maipakalat sa mundo ang iniisip ng kabataan sa mga pansariling kwento tulad ng nabanggit sa simula ng sanaysay. Mga maliliit na kwentong dapat ay tinatapalan ng mga hanep na kwento tulad ng kung anong tingin sa pulitika,at kung anu-ano pa.

Unang-una sa lahat sa tingin ko ang Youngblood ay mula at samakatwid para sa kabataan. Ang pagsulat ukol sa mga napakabibigat na kwento ay sa tingin ko magpapawala sa karismang meron ang Youngblood sa mga mambabasa nito. Nawalan na rin ng punto ang pagsulat ng kabataan kung wala ring kabataan ng mambabasa. Hindi ko naman sinasabing walang kakayanang magbasa ng mga ganoong klaseng artikulo ang kabataan, pero tanggapin natin ang katotohanan na mahirap basahin ang mga ganoon.

Hindi ko rin naman sinasabing walang mga ganoong kwento--mga makabuluhang kwento--ang Youngblood. Mayroon pa rin namang mga sumusulpot na komentaryo ukol sa paggalaw ng pamahalaan, at iba pa.

Pangalawa at mas mahalaga, ano'ng problema sa pagkakaroon ng mga pansariling kwento? Ang problema sa ating mga Pilipino ay sa malalaking bagay lamang tayo nakatuon. Nakalilimutang sa maliliit na bagay nagsisimula ang mga malalaking bagay. Malay natin, sa mga maliliit na kwentong iyon natin mapupulot ang mga bagay na magagamit sa paggawa ng mas malalaking kwento. Ang simpleng pagsisikap sa pag-aaral ang siyang makapaghuhulma ng masisikap na propesyonal sa workforce. Ang mga kwento ng pag-ibig ng mga taong 'di natin kilala ay maaaring makapagpalakas ng ating pagmamahal para sa iba pang mga bagay--ng bansa, halimbawa.

Siguro iyon ang dapat nating pagtuonang mga Pilipino--ang isipin sa kung paanong maliit na paraan makatutulong. Hindi naman natin kailangang makapagpabaril sa Luneta, magsimula ng himagsikan o magpaulan ng pera. Hindi natin kailangan ng iisang gawain. Ang kailangan natin ay gumalaw sa lahat ng posibleng maliit na paraan--sa pag-ibig, sa paaralan, sa kalye, sa banyo, sa bubong, sa kung saan--tungo sa iisang malaking layunin.

******
whot ang haba forever ng intro ko :)) wala lang. won't read this again, so sorry for typos and bobong sentences and bobong essay as a whole.