Friday, November 23, 2007

dahil ang pinakamagagandang tula ay hindi kailanman maitatala

bagamat pilitin kong
isulat kayo
at hulihin ang kaibuturan
ng inyong mga kalul'wa,
mukhang di ko kaya,
aking mga musa.

pagkat ang pinakamagagandang tula
ay hindi kailanman maitatala
wag sanang magtampo,
umalis...
mawaglit sa 'king isip.

na kahit sa 'king mumunting alaala
na lamang kayo magpunyagi
at mabigyang katarungan
ang inyong ganda.

na kahit walang makarinig,
walang makakita,
walang makaramdam,
alam ko sa 'king sarili
na minsa'y may mga tula
na 'di kailanman maitatala.

No comments: