Monday, November 26, 2007

ang kapangyarihan ng salita

hindi ko alam
kung ano ang tinutukoy nila
noong sabihing
mag-ingat sa pananalita.

isang palasong tutuhog
sa puso ninuman
ang mga salitang
may poot sa paggamit,
matulis at maganit.

ngunit bakit sa tuwing
isusulat ko
ang kung anumang nasasaisip,
hindi nila nahuhuli
o lumalapit man lang [na parang limit,hehe]
sa tunay na ibig sabihin
at totoong damdamin.

anong malay n'yo
kung gaano kasakit
at kadilim
ng galit ko ngayon
sa mundong ito

o di naman kaya'y
anong saya--
gumugulong na'ko sa ligaya
at tumatalon-talon
dahil sa tuwang nadarama?

kaya't di ko maintindihan
kung paanong sa tindi......................



di ko matapos ang tula sa sobrang inis. sa susunod nalang siguro.

No comments: