Thursday, November 15, 2007

ang hangganang ito

nilulunod ako ng hangganang ito;
'di ko alam kung sa'n nga ba ako nanggaling.
ayokong tignan ang mga pinagdaanan pagkat
ni hindi ko alam kung tunay silang naganap

hindi ko alam kung anong ikatatakot--
parehong madilim
at parehong nilulunod ako
ng kawalang-kalinawan
ng nasa harap at nasa likod

kung bakit ba sa dulo pa kailangan
mag-alinlangan
at magtaka kung may katotohanan
pa ang mga nangyari, ang mga sinabi

marahil ay titigil ako
dito sa hangganang ito--
sa pagitan ng kinatatakutan kong
nasa harap at likod ko.

dito nalang ako'y kukubli,
uupo, magbabakasakali.

No comments: