Monday, July 16, 2007

soooo fun.

ayun.nagsusulat kasi kami ng artikulo para sa matanglawin. tungkol siya sa kalagayan ng wikang pambansa. nung una palang pinili ko na sya kasi nakita ko talaga na sya ang pinaka-may saysay[o hindi ko lang talaga naintindihan yung iba.haha]. nakakatuwa kasi unang pagkakataon kong maharap sa ganito--makita at marinig ko talaga ang pag-aaway ng mga tao.hahaha.hindi naman sa todo weirdo ako na ang saya-saya ko na makinig sa mga away,pero ang sarap ng pakiramdam makinig sa mga taong may taglay na talino sa mga bagay-bagay. sila dapat yung mga taong kasama mo sa araw-araw kasi mapapaisip ka talaga at ang saya lang talaga.haha.sabi pa ni hermund, "ako babarilin pag yung isang side lang yung pinakita natin" or something to that effect[ano tagalog nito?haha]. ang saya lang kasi bihira akong makisalamuha sa mga taong may paki sa mga bagay-bagay na may paki rin ako!haha.ang sarap talaga ng pakiramdam. pero masakit din sa ulo dahil hindi ko pa rin alam kung anong paniniwala ang papanigan ng aming artikulo ang,

isang bansa, isang wika o

maraming wika,matatag na bansa.

pareho kasing may punto ang dalawang panig at kagabi talaga parang buo na yung loob ko na dapat protektahan natin ang wikang filipino at hayaan itong lumago, magamit sa akademya at kung anu-ano pa. pero nung narinig ko yung punto ni G. Nolasco ng komisyon ng wikang filipino, parang nadala yung isip ko. hindi ko tuloy alam kung anong papanigan ko.ahahhaha.

tapos ang astig kasi si ________ anak pala ni ________!haha.ewan ko lang kasi kung okay lang sa kanya na sabihin kaya ayun.wag nalang.astig.haha.clue::manunulat ang ama,at ang anak.haha.

************************************************************************************************************

pasingit lang, kanina kasi habang iniintay kong lumipas ang oras para sa aking guidance interview[NA HINDI NAMAN NATULOY *rolls eyes*haha], asa caf up kaming mga t5 at malamang nagccards lang ang mga tao. so lonely ever nanaman ang aking role.haha.ewan ko,natatamad akong pag-aralan yung laro[pusoy dos].haha.so ayun.nagpakaweirdo ako,nagsulat ng pangalan ko sa mga dahon nung halaman at nagsulat sa tissue ng mga bagay na bigla nalang pumasok sa isip ko at binalak ko syang iwan upang pagmunihan ng kung sinumang makapupulot. heto sila::

How to Smile Always [gagawa sana ako ng lit homework.haha]

*sino si ped xing?
*alam mo ba ang hi-liter, xerox at pentel pen ay mga brand?pati ata styrofoam.
*hindi totoong bakla si CHORVA.
*sino si ederlyn?
*kailan birthday mo?
*ilang kwek-kwek ang mabibili mo sa 5 pesos nung 1930's?
*kaninong bala ang tumama kay rizal?
*may chocolate ba ang CHOCnut?
*walang shorts si pooh.:(
*totoo bang bawal maligo tuwing lunes?at martes...at miyerkules...at huwebes...at biyernes...at sabado...at linggo?
*ano tagalog ng straw[pang-inumin]?e ng zipper?
*nasa wika ang dunong ng isang lahi...
*si rizal LANG ba ang bayani natin?
*bakit chinorva ni cheverloo si cheverlala?
*what is the answer to this question?
*bakit may joker sa deck?
*nasan ang makina ni monika?
*bakit ako nagsusulat dito?
*sino ako?
*ano ang nauna,ang itlog o ang manok?
*anong tagalog ng FEATHER?
*sino ang pamangkin ng amo ng kapatid ng asong inampon ng katapat-bahay ng lolo ng bestfriend mo nung grade 3?

haha.major kalabuan.favorite ko ata ang salitang major.

[dear major:: ewan ko ba kung type kita...]

hahaha.anlabo ko na talaga.anyway.gotta sleep para puyatan to the max para sa lit homework.pfft.

No comments: