[utos ni tete na ipost ang lahat ng mg tulang ipinasa ko.ayun.ito,si teacher cora,absent po ma'am at yung wala pang pamagat.]
Madilim ang paligid ng selda ni Hiraya, 1
malamig ang sahig at siya’y nag-iisa.
Tanging ang buwan lamang ang nakakasilip
ng kung anong hiwag
ang mayro’n si Hiraya.5
Ang mahaba n’yang buhok
na umaagos sa kanyang balikat,
ang makulay n’yang damit
na tumitingkad pang lalo sa gabi
Ang ganda n’ya. Ang ganda ni Hiraya.10
Buong araw naghintay si Hiraya
sa lamig at dilim ng kanyang selda
hinihintay na buksan
ng liwanag ng buwan
ang munting kandadong15
hadlang sa kasiyahan.
Ang munting kandadong pumipigil sa kanya
Na pintahan ang mundo ng mga kulay nya—
Ang mundo ng panagimpan
At walang hanggang pangarap20
Walang sigla,walang saysay, kung wala si Hiraya.
At ngayong bilog ang buwan
at lahat ay tulog na
at lahat ay naglalakbay
na sa mundo ni Hiraya,25
siya’y malaya na muli
at higit na umaassa
na siya, at ang mga kulay nya
ay maaalala sa susunod na umaga.
No comments:
Post a Comment