Friday, July 20, 2007

running

ang paghulas ng pawis,
ang pagbagsak ng paa,
ang pag-ihip ng hangin
at ang malambing nitong pagdampi sa mukha mo,
ang marahang pagbitbit nito sa iyong buhok.
ang tunog ng mga ito,
drip.tak.woosh.ksss.
hindi alam ng mundo
kung anong nasa isip mo.
kung gaano ka kahina,
kung gaano ka kabilis,
kung gaano ka kasaya,
kung gaano ka kaganda.
walang alam ang mundo
sa kung anong kinain mo kaninang umaga,
sa kung anong grado mo sa matematika,
sa kung ikaw'y may asawa.
ang alam lang nila
at nakikita lang nila,
ang mahusay mong paggalaw
at pagsakay
sa agos ng lansangan.
tanging alam nila
ay ang indayog ng iyong takbo,
ang musika na ginagawa mo,
marahil ang amoy na iyong naiiiwan.
ngunit wala kang pakialam,
basta't ikaw,
ang iyong paa,
ang lansangan
at ang hangin ay magkakasama.

************************************************************************************************************

labeled as fugly by the author.haha.nagpa-x-ray ako kanina.so di pa talaga alam kung ano yung kondisyon ko,baka nag-iinarte lang ang katawan ko last week.ewan.sana nga nag-iinarte lang at oks na ako next week:)

No comments: