Saturday, July 21, 2007

sa harap ng lente

hayaan mo akong manatili
sa harap ng lente ng iyong camera.
hayaan mong kahit minsan,
mahuli mo ang aking kaluluwa.
hayaan mong maibahagi ko
sa mundo at sa mga susunod pa
kung anong meron ako,
kung anong wala.
hayaan mong sa kaunting sandali
bagamat magmukhang tanga
magkunwaring ako'y masaya.
hayaan mong makita nila
ang hugis ng aking mukha,
ang ngisi na aking suot,
ang mga matang walang bahid ng lungkot.
hayaan mong maging daan,
ang lente ng iyong kagamitan
sa pagtuklas, at pagpapanatili
ng maskarang inisuot ko
at iniharap sa buong mundo.

************************************************************************************************************

still fugly.yaaak.pinagppractice-an ko ang multiply.hahaha.i want to write something good.:( hrgh.ang emo nito e.pffft.isang tula lang nama-immortalize sa heights.isa laaang.please?:D

No comments: