Friday, February 8, 2008

pag tigang na ang suso ni ina

dapat bang kutyain
ang batang walang tigil na humihingi,
nangangailangan,
at humihingi pang muli?

dapat bang kutyain
ang mga langaw na naghahanap
ng kaunting kahalumigmigan*
sa malawak na katigangan?

dapat bang kutyain
ang nanay na hindi makapag-alaga
sa sarili
at kung gayon,sa anak?

dapat bang kutyain
ang mga buwitre**
na masugid na nagmamasid
sa kanilang hapunan?

dapat bang kutyain
ang mga makata
na walang ginawa
kundi magsulat ng ganitong tula?

dapat ka bang kutyain
dahil wala kang magawa,
at ang pagbabasa
nito ang tanging magawa?

-----------------------------

!kahalumigmigan--moisture
!buwitre--vulture
!i can't find a copy of the picture.will upload,if ever i find one.

No comments: