Saturday, February 16, 2008

kahapon

nagpunta ako sa scholar's congress.e may parang family day sina niels sa school nila so ako lang naiwan sa bahay,si ate kasi may pasok. tapos natataranta na ako kasi sabi 8.00 daw yung scholar's congress.pero dahil pupunta ako sa debut ni ter later in the afternoon, ni-charge ko yung baterya ng camera ko. TAPOS umalis na ako. TAPOS pagdating ko sa ateneo,asa tricycle na ako NAALALA KONG NAKASAKSAK PA PALA YUNG CHARGER.pusang gala talaga.so pumunta muna akong ching tan room para magregister muna sana kaso WALA PA.haha. so sabi ko kay ace, uuwi muna ako tatanggalin ko sa saksak.pagtingin ko sa coin purse ko, saktong anim na piso lang ang pamasahe ko! apat na piso at walong bentesingko. so.kamusta naman yon.tas gusto ko sana magtrike nalang para mabilis pagtingin ko sa bag ko,wala pala wallet ko!naiwan ko rin.soooo.nilakad ko na naman at kung di mo alam,mas mahirap maglakad nang nagmamadali. sabi ko sa sarili ko sana may makita akong kilala. kamusta naman. SI SIR CABRAL ang nakita ko.mauutangan ko ba naman yon. tas nakita ko rin si sir mina pero nahiya na ako.hahaha.so ayun. umuwi ako tinanggal sa saksakan ang pa-star na charger at kinuha ang wallet. pagbalik ko sa ateneo at sa ching tan room e wala pa atang sampu ang nandun. KAMUSTA NAMAN. hahahaha anyway....

No comments: