Friday, February 22, 2008

highlights

jill:: alam mo may pinsan ako,pangalan nya e pido.
ako::o tapos
jill::tas may isa pa syang nickname,pids. pero pag pinronounce, peeds hindi pids.
ako::o bakit di pids?
jill::pangit pakinggan e
ako::hm.okay lang naman.pids.pids. tunog tagakanto nga lang.
jill::ang unfair mo sa mga taga-kanto.
ako::edi parang sinabi mo rin na ang unfair ko sa baboy
jill::onga no. "ang baboy mo naman"
nicki::pero relatively clean ang mga baboy. they don't eat where they poo.
kami::ah talaga?
ako::kung gayon,anong hayop ang pwede nating ipalit sa "baboy"?askal?
jill: "ang tao mo naman..."
ako:: oooh.philosophical~


hahaha. wala lang. feb 22 birthday ni odilon. wala akong math at english class. wala ring math yung mga regulars. so nagkayayaan pumunta sa pasig river. nagtrain kami papuntang guadalupe tapos naglakad papunta sa sakayan ng ferry tapos nagferry hanggang escolta tapos naglakad hanggang kainan,kumain tapos naglakad uli papuntang lrt tapos naglrt hanggang katipunan. yey. wala kaming ginawa kundi kumain lang actually.pero masaya dahil sa mga kasamang tao :) yey t5 and steph :)

No comments: