Wednesday, January 30, 2008

si gino

nasa'n ka na daw?
ang text na natanggap ko nang ako'y asa tandang sora na. galing kay ina pero malamang,si ate nagtext nito.
7:48
nang isukbit ko na ang aking kaliwang kamay sa kaliwang strap ng aking bag. asahan mo yan na sa kaliwa ko unang isusuksok ang kamay 'pag pababa na. mapipigtas na nga ata uli iyong kaliwang strap e.
sa tabi lang po
ang kailangang paghandaang sabihin. kailangang tanggalin ang plemang nakaharang sa lalamunan nang di maipit ang boses kapag papara na. kailangan ding ilang metro bago ang tunay mong babaan mo sasabihin ito upang magbigay daan sa panahong uubisin sa pagtigil.
nagmamadaling
lumabas sa jeep at naglakad sa bandang kaliwa, pagkat mas maliwanag bagamat maraming mga tambay at nagmamahalang naglalampungan.
sa may kanto
ay may mga bata. at ang pagkaskas ng Islander sa aspalto sa kanilang pagtakbo ay nakaririndi.

nang marahang-marahang may bigat na humatak sa'king bag.

wag gino,wag!
ang sigaw ng batang babae sa likod.

ngunit huli na.
niyakap na ako ni gino at sininghot pa ang aking damit.

at ang tanging nasambit,
woah.


************************************
a random kid just hugged me today.how cool is that,huh?

No comments: