Monday, January 7, 2008

hulaan kung saan ito naisulat.

i:
Malinis ang mga linya at walang papalya

ii:
Ilang ulit ko na ba 'tong ginawa?

iii:
Tatlong pasada ng ilaw.
Isa,
Dalawa,
Tatlo
at namatay.

Table of contents:
Binuksan ang bibig ng malaking halimaw
Mga dila at itim na laway
Saan ang mali?Ano na naman?

Isang di inaasahan sa araw ng pag-uulit.

Page X of Y:
pindot ng ilang buttons.
buklat,diin.
huwag hayaang magkaroon ng isang kadiliman
sa bandang gitna
(isang dilim na walang pakundangan sa pagpapahula; fill in the blanks.)

Page Y of Y:
19.20 ang halaga.

Appendix:
Isara ang bibig niyon.

Lakad sa pasilyo.

Bukas ulit.

*

wala pa tong pamagat; nainspire ako sa bagong notebook ni mia. hahaha. thanks mia >:D<

gimme a title,sige nga.at kung san to naisulat.hahaha

No comments: