Monday, August 27, 2007
Thursday, August 23, 2007
koko likes to...
tae.nakakatawa pero di nakakatuwa ang mga hits.got from nicko.
search sa google ng 'your name' likes to.eto akin::
1. Would Koko like to have a kitten, a dog, or another Gorilla as a friend?[tae,first hit:: KOKO THE GORILLA.salamat a.]
2. shows us how Koko likes “ordinary girl-ish things,” like the color red, playing with dolls and make-up. We also learn how Koko has become a genuine American material girl: “But like most girls, I want more.” Whoa! [at guess what,GORILLA pa rin ang pinag-uusapan dito.]
3.Koko, like lots of other people, is enjoying a wonderful celebration today; but in her case it’s primarily because it’s her birthday. That’s right; Koko turns 36 today, and she’s been awaiting this special day for weeks, dropping hints here and there about what she’d like: from large-scale wishes to small enrichment items to foods. [tae.gorilla pa rin:((]
4. Koko likes nipples [tae.marunong mag signlanguage ang gorilla na to.at PERVERT pa.alangya oo.]
5. Koko likes very innocent activities. She loves playing with dolls and watching movies.[PERO...]
6. So, let's face it, Koko likes to see nipples. In some situations, she feels uncomfortable unless she gets to take a peep at them.
wala na.:| haha.
Monday, August 20, 2007
SANDIWA.
may proposisyon ako sa inyo, pagkat natunugan ko ang kagustuhan ng ilang mga tao na magkaroon tayo ng isang TUNAY na reunion. naisip ko[at hindi ako nakatulog kagabi dahil dito] na nararapat ding isang MAKABULUHAN ang ating pagsasama-sama. ayoko naman na kakain lang tayo at chuchuvaness sa tabi-tabi. ibinahagi ko na ang kagustuhan kong ito sa ibang tao, at sabi ni jescia, mag-GK daw tayo. wala pang saktong araw kung kailan ito gagawin pero gusto ko lang malaman kung may mga taong interesado sa proyektong ito at kung may mas magaganda pa kayong mga ideya. pero kung sana, mag-stick tayo sa "reunion for a cause" theme. ayaw ko naman na sayang lang ang pera natin sa pagkain and all:D
nagmamahal at nangungulila sa inyo,
koko
Friday, August 17, 2007
er.kay.haha.
KUNG ANG CRUSH MO AY:
1. nagtanggal ng t-shirt niya sa harap mo?
--PAKIBALIK.please lang.di ka macho.hahaha
2. ay may bagsak na grade?
--di pwede yan.haha.tutor,trip mo?:D
3. naka 3 points sa basketball?
-- edi yehey.
4. niyaya ka maging prom date niya?
-- uso pa ba yun ngayon?haha.edi okay lang.
5. ay nadisgrasya
-- pagdadasal.
6. niyaya ka manood ng sine kasama niya?
-- edi okay.hatak tayo ng iba pa.
7. hinawakan kamay mo?
-- ewan.haha.
8. natamaan ka ng bola?
-- aray.malaki ang galit ko sa mga nakakatama ng bola e...so.haha
9. nilibre ka?
-- ayos to a.haha.
10. inakbayan ka!
-- ewan.
11. pinagtripan ka?
-- gantihan.
12. kinuha id mo?
-- i'll get it back.namaaan.fugly ateneo id pic.
13. nabunggo ka?
--edi aray uli.haha
14. inasar ka?
--di ba pareho lang to sa 11?haha.sanay nako dito.ganti lang.or quiet lang.
15. niyakap ka na lng bigla galing sa likod mo?
-- nyek.mushy ka rin,no?haha
16. sinabi sayo "i love u"
-- ha?
17. nangutang sayo?
--edi pautangin kung may pondo.
18. hindi binayaran utang niya?
-- di pwede yan.
19. pinasahan ka ng load kahit hindi mo kelangan?
-- rereply-an ko ng "thanks" tas di ko sya itetext.haha.
20. tinawagan ka sa bahay?
-- edi kakausapin.
21. nakausap mo hanggang madaling araw?
-- impossible. tulog over anything!!haha.
22. niyaya ka kung pwede ka maging gf/bf niya?
-- manligaw ka,sige.pero di kita sasagutin.haha.not until after college.haha.[taking advantage,come on.haha.ASA]
waha.ang loser nito.mali,mali.ang loser ko.haha
too much drama,koko.too much.
**i never intended to write such a sad poem.dapat nga parang mockery sa mga nangyayari.pero ayan.siguro dahil sa ulan.hahahha.
KLIK DIZZ FWENDSHIPZZ!
from aia.comments in red not mine:)
1) Ayumi
who i want to meet?????? so there it goes... [putcha...there it goes...ahahay] *a person dat can give advices 2 me f i want some support. i mostly hate person nga snobbish kau*
3) jOnah-nUevE 'kikAy fOe RiL'
4) -aNnA-
5) catherine joyii
7) maria princesa
10) Geneveve
12) masaaki
16) Anthony
"when it comes to my character, i reflect myself as a conforming one because i have tested myself of doing things which anticipated to be done." [Tang ina kelangan mo p ytang i-math to para mkuha mo ibig sabihin eh]
22) -sTaY ovErLoaD-
23) Jean
24) adora
28) m E d Y FULL
30) Gtonjethone
"I love ANEMI FANATICS like myself!" (anemi!)
"d aQ mAartE!(pWerA LnG iF tiNO2pAk aQ!)" (Aya...)
33) raceL
34) kleeny
37) JeAn
44) beware
46) mitch
47) ging
54) lucky
55) Blue X
Campus hunk daw siya kaya ang pix, hindi papakabog! The primary pic: the-egg whites effect plus ang sinukat na hati sa gitna ng bangs. Ye.
Of course... 'wag natin palampasin ang pix ng barkada-the Salbakuta extension. So kailangan talaga jersey & cap ang get-up? Don't forget the gangstah signs na marahil ay wis niyo alam ang kahulugan.
56) Elaine
Thursday, August 16, 2007
pano naman kami.
pano naman kami
pagdating ng census?
saan ididikit ang sticker,
sa ilalim ng tulay,
sa gilid ng kariton?
paano naman kami
kapag suspended ang pasok?
e ni minsan nga,
di pako nakapagklase.
pano naman kami
sa elasto-seal commercial
e walang bubong
kaming tatapalan?
pano naman kami
pag bumaba ang presyo ng gasolina
e ni susi ng kotse
di pa nakikita?
pano naman kami
pag summer at init na init na
sa aircon ng supermarket
ipinagkakait pa.
pano naman kami
pagdating ni santa
saan nya iiwanan
ang hiling kong panghapunan?
pano naman kami
ni hindi namin nalalaman
na may mga taong nagsusulat pala
tungkol saming kalagayan?
pano naman kami
pag misa ng bayan
pati bahay ng Diyos
di namin pwede tapakan?
pano naman kami
samin lahat bingi
at walang nakukuha
kundi mga gan'tong tula?
sandaan.
1. ONE OF YOUR SCARS, HOW DID YOU GET IT??
Natulak ng taya.malaki kasi yung taya,NAHAGIP nya ko nung tinaya nya ko:)
2. WHAT IS ON THE WALLS IN YOUR ROOM?
wallpaper.
3. DO YOU SNORE, GRIND YOUR TEETH, OR TALK IN YOUR SLEEP?
talk.
4. WHAT TYPE OF MUSIC DO YOU LISTEN TO?
lahat ng pwede pakinggan.
5. DO YOU KNOW WHAT TIME YOU WERE BORN?
abama.kailangan bang malaman?
6. WHAT DO YOU WANT MORE THAN ANYTHING RIGHT NOW?
katuparan ng marami kong pangarap.
7. WHAT DO YOU MISS?
high school peeps,t5.
8. WHAT IS YOUR MOST PRIZED POSSESSION?
my dreams.no,really.
9. HOW TALL ARE YOU?
5'3?5'4?ewan.
10. DO YOU GET CLAUSTROPHOBIC?
not really.
11. DO YOU GET SCARED IN THE DARK?
minsan.
12. THE LAST PERSON TO MAKE YOU CRY?
CABRAL.haha.math teachers.
13. WHATS YOUR WORST FEAR?
gumuho ang mga pangarap ko.
14. WHAT KIND OF HAIR/EYE COLOR DO YOU LIKE ON THE OPPOSITE SEX?
brown eyes black hair.
15. WHERE CAN YOU SEE YOURSELF BEING PROPOSED TO AT?
on top of the world.:)
16. COFFEE OR ENERGY DRINK?
kape
17. FAVORITE PIZZA TOPPING?
keso,pare.keso.
18. IF YOU COULD EAT ANYTHING RIGHT NOW, WHAT WOULD IT BE?
cheesecake.cheesecakes.cheesecakesss.
19. FAVORITE COLOR OF ALL TIME?
marami.as of now, it'd be yellow and choco brown.
20. HAVE YOU EVER EATEN A GOLDFISH?
course not,pero nakakain na ako ng::ITLOG NG LANGGAM,KUHOL,KABAYO,KAMBING,ASO...hehe.seryoso to a.
21. WHAT WAS THE FIRST MEANINGFUL GIFT YOU'VE EVER RECEIVED?
i don't think i have received one yet.
22. DO YOU HAVE A CRUSH?
yea
23. ARE YOU DOUBLE JOINTED?
hah?
24. FAVORITE CLOTHING BRAND?
greenhills!haha.f&h i guess.
25. WHO IS THE HOTTEST FEMALE/MALE CELEBRITY?
bogs jugo,come on.tinatanong pa ba??
26. DO YOU HAVE A PET RIGHT NOW?
yea
27. WHAT KIND IS IT?aso.
28. WOULD YOU FALL IN LOVE KNOWING THAT THE PERSON IS LEAVING?
err.ewan.explain love.
30. SAY A NUMBER FROM ONE TO A HUNDRED:
13.4567
31. BLONDES OR BRUNETTES?
brunettes.
34. HAVE YOU BEEN OUT OF THE USA?
i haven't been there.haha.so malamang oo.
35. YOUR WEAKNESSES?
procrastination.haha.katamaran.
36. MET ANYONE FAMOUS?
does meeting myself count?:)
37. FIRST JOB?
writer.haha
38. EVER DONE A PRANK CALL?
oo naman.
39. DO YOU THINK EVERYONE OUT THERE HAS A SOULMATE?
yea,i guess.
40. WHAT WERE YOU DOING BEFORE YOU FILLED THIS OUT?
kumain
41. HAVE YOU EVER HAD SURGERY?
nope
42. WHAT DO YOU GET COMPLIMENTED ABOUT MOST?
writing,i guess.
43. HAVE YOU EVER HAD BRACES?
nope
44. WHAT DO YOU WANT FOR YOUR BIRTHDAY?
cash.lots and lots of it.
45. HOW MANY KIDS DO YOU WANT?
2.
46. WERE YOU NAMED AFTER ANYONE?
yea, a SAINT. and a BRAND.whattacombo.
47. WHAT IS THE BIGGEST TURN OFF OF THE OPPOSITE SEX?
paninigarilyo't pagddrugs.
48. WHAT IS ONE THING YOU MISS ABOUT HIGH SCHOOL?
everything about it.
49. WHAT KIND OF SHAMPOO DO YOU USE?
for all types of hair.haha.yun ba tinatanong mo?
50. DO YOU LIKE YOUR HANDWRITING?
yea.i like how doctor-like it sometimes becomes.haha
51. WHAT IS YOUR FAVORITE LUNCH MEAT?
wala.
52. ANY BAD HABITS?
i waste a lot of time.malakas akong humirit na baka nakakasakit>.<
53. ARE YOU A JEALOUS PERSON?
yea.
54. IF YOU WERE ANOTHER PERSON, WOULD YOU BE FRIENDS WITH YOU?
yea.because i get along well with others.
55. DO YOU AGREE WITH FRIENDS WITH BENEFITS?
hmm.di ko alam.
56. DO LOOKS MATTER?
i say yes pero i usually fall for the unhot ones.[look up the definition of unhot in my dictionary.or ask me nalang.haha]
57. HOW DO YOU RELEASE ANGER?
i cry.
59. WHATS YOUR MAIN GOAL IN LIFE?
be happy.
60. WHAT WAS YOUR FAVORITE TOY AS A CHILD?
i don't think i remember.oh wait,i remember.i didn't have toys. I MAKE THEM.haha.[i.e. naghahalo-halo ng colognes and stuff tapos pinapainom sa mga pusa.BWAHAHAHHA]
61. HOW MANY NUMBERS ARE IN YOUR CELL PHONE?
kelangan bilangin?haha
62.WERE YOU A FAN OF BARNEY AS A LITTLE KID?
i don't think so.
63. DO YOU USE SARCASM?
uh..NO?[notice the sarcastic tone]
64. MASHED POTATOES OR MACARONI AND CHEESE?
BOTH.
65. WHAT DO YOU LOOK FOR IN A GUY/GIRL?
basta napapasaya nya ako.haha
66. WHAT ARE YOUR NAMES?
nicole,basille,koko,koks,kookay,kookie,basilio,kokskonutskilicious,koonats,and the list goes on and on...
68. WHATS YOUR FAVORITE TV SHOW?
CSI[las vegas],JEOPARDY,heroes,marami pang iba.
69.WHATS THE BEST WAY TO DEAL WITH YOUR ENEMIES?
ipagdasal sila.madalas kasi kasalanan ko e.hahahha
70. WHAT'S YOUR FAVORITE ICE CREAM FLAVOR?
coffee crumble,vanilla,pistacchio.
71. DO YOU HAVE ALL YOUR FINGERS AND TOES?
fortunately,yes.
72. DO YOU HAVE A COMPUTER IN YOUR ROOM?
nope.
73. PLANS FOR TONIGHT?
heroes marathon,write some papers...
74. WHAT'S THE FASTEST YOU'VE EVER GONE IN A CAR?
75. DO YOU WANT EVERYONE TO ANSWER THESE QUESTIONS?
di naman.lahat lang ng nababagot.
76. WHAT ARE YOU LISTENING TO?
right now?the raindrops.
77. LAST THING YOU DRANK?
milk.
78. LAST PERSON YOU TALKED TO ON THE PHONE?
dad.
79. THE FIRST THING YOU NOTICE IN THE OPPOSITE SEX?
the looks talaga e.the looks.
80. WHAT DO U LIKE TO DO IN YOUR SPARE TIME?
ym.write things.
81. FAVORITE THING TO HATE?
low-zahs.
82. FAVORITE MONTH OF THE YEAR?
may.december,and surprisingly,february.
83. WHATS YOUR FAVORITE TYPE OF CANDY?
coffee candies.
84. HAVE YOU EVER REALLY AND TRULY HAD A BEST FRIEND?
err.i don't think so.but i consider one to be my best friend,but we don't call ouselves 'bestfriends'.
85. WHAT IS YOUR HAIR COLOR?
itiiiimmm
86. EYE COLOR?
dark brown
88. FAVORITE FAST FOOD PLACE?
mcdo.jollibee.lahat ata e.
89. FAVORITE RESTAURANT?
italian restos.
90. DO YOU LIKE SUSHI?
okay lang.
91. Last thing you watched?
eat bulaga.
92. FAVORITE DAY OF THE YEAR?
may 20.
93. PLAY ANY MUSICAL INSTRUMENTS?
[used to] bass guitar.
94. REPUBLICAN OR DEMOCRAT?
95. KISSES OR HUGS?
hugs,of course.
96. RELATIONSHIPS OR ONE NIGHT STANDS?
relationships,duh.
97. WHAT WAS THE LAST THING YOU BOUGHT?
clothes.haha
98. DO YOU HAVE A LOW SELF ESTEEM OR A HIGH SELF ESTEEM?
i'd have to say high.
99. WHAT BOOK ARE YOU READING?
precalculus.:))
100. DESCRIBE YOUR LOVE LIFE:
wala akong love life.crush life,magulo.hahahaha.NOT.wala talaga.haha
everyone's bored.i am no exception.haha.
7 chuvanesses.
pag wala talagang magawa,magsagot ng survey.:|
SEVEN THINGS YOU PUT IN YOUR BAG :
1. pencil case
2. wallet
3. coin purse
4. planner
5. jug
6. sanitary napkin
7. tissue
SEVEN RELATIONSHIP Q'S.:
1. Do you like anyone? yes.
2. Does someone like you? EVERYBODY LOVES KOKO,come on.JOKE.i don't think so.
3. Last real crush? si-kre-to.
4. Been lead on? :|di ko gets.haha.loser.:|
5. Been cheated on? hello?wala pa nga kong kung anong relationship.haha.sa test siguro,oo.
6. Want a relationship? hmmm.haha.minsan,oo.
7. Wanna get married? parang oo na hindi.
SEVEN FACTORS YOU CAN'T LIVE WITHOUT:
1. food
2. inumin
3. t5!
4. pera
5. tulog
6. dreams
7. people i love.
SEVEN THINGS ON YOUR MIND:
1. may pasok ba o wala
2. si ano?
3. yung camera na pagka-tagal-tagal.
4. sinong yayayain ko sa trinoma sa lunes?:|
5. intro revision for feature article
6. clothes,clothes,clothes[nagiging maluho nako,ano ba to?]
7. my dreams
SEVEN OTHER THINGS: Do You:
1. Believe in God? yes
2. Had a dream come true? yes
3. Read the newspaper? yes
4. Pray? yes
5. Have a job? suma-sideline sa paggawa ng mga papers ng mga tao.[ADVERTISEMENT!]
6. Have braces? no
7. Wish on stars? yes
SEVEN HAVE YOU EVERS:
1. Fallen in love? PLEASE TELL ME WHAT LOVE IS.and i'll tell you if i have.
2. Hated someone? yes
3. Swam in the dark? yes
4. Been to a Bonfire? yes
5. Ran away from home? no
6. Played strip poker? no
7. Pulled an all nighter? no
SEVEN THINGS: IN THE LAST 48 HOURS, HAVE YOU:
1. Cried? no
2. Had fun? yes
3. Been kissed? yes
4. Felt stupid? no
5. Talked to an ex? no, i don't have any.:|
6. Missed someone? yes
7. Hugged someone? yes
SEVEN "SOUL" QUESTIONS:
1.Do you consider yourself kind? relatively kind.
2.Do you consider yourself moral? hm.yea,i guess i am.
3.Do you consider yourself honest? yes[i just lied.:))]
4.Do you hold any prejudices? yea
5.Are you spiritual or religious? not religious as in active sa church and devoted sa rituals, but religious cause i really believe in Him.
6.Philosophical? yes
7.Would you steal under any circumstance, be it for survival or greed? yes[and i said i was moral.:))]
hayy.wala talagang magawa:|
Wednesday, August 15, 2007
this is the second time i'm doing this,i think.or not.
In the 8 facts about yourself, you share 8 things that your readers don't know about you. Then at the end you tag 8 other bloggers to keep the fun going.
* Each blogger must post these rules first.
* Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.
* At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
1. i'm thinking of quitting matanglawin.
2. i hyperventilated[okay, this is an exaggeration] when i had my hair cut.
3. i want to learn to dance[WOAH!haha]
4. my want to learn to play the bass guitar is revived.
5. i am vain.
6. i really have no plans of becoming a president of the country.[but i want to make a change.]
7. natatakot ako na mukhang humihina ang alab ng aking puso.[i'm working on this.]
8. i like a guy from our block.
hahahahahaa.
i'm tagging anyone who reads this.
hiniram ng ate ko ang tsinelas ko.
sa mumurahing pambahay na tsinelas
ramdam na ramdam ko:
hindi swak ang talampakan ko sa lalim nito,
mali ang kapit ng goma sa kaliwang bahagi ng aking kanang paa.
parang napakalayo na ng tsinelas ko
pero kahapon lang naman nang huli kong sinuot.
at ngayon!
nasaan ang saktong pagkaukit ng goma sa paa,
nasaan ang tila magkakambal na pagkakadikit
ng balat sa berdeng sapin sa paa?
nasaan?
di nakakatuwa
ngunit nakakatawa
na sa isang paggamit ng ibang paa,
ang paborito kong tsinelas,
di ko na kilala.
Sunday, August 12, 2007
hay.
kinakabahan ako sa unang mahabang pagsusulit sa filipino pero eto ako nagsasayang ng oras. hindi ko kasi alam kung saan magsisimulang mag-aral at may onting pag-asa pa rin dumadaloy sa dugo ko[oo na ang tigas na ng mukha ko para umasa] na matatanggap ang mga tula ko sa heights. isipin mo,kung matanggap yun lahat e apat na A na yun.pwedeng mamili kung anong category ang ipapa-A mo.ilan nga ba long test,3 ata?so may sobra pang isa.hay,Lord. pinagdarasal ko po talagang matanggap sila.pagdasal nyo rin,please.
***************************************************************************************************************
nakipag-ugnayan ako kay kaila ocampo kasi balak kong magtayo ng site,sariling site. hopefully matuloy ang aking mga plano. haha. masaya ang araw dahil kami'y namili sa greenhills. nakakatuwa talagang isipin na anlaki ng matitipid mo.:)oo na,kuripot nako.
Friday, August 10, 2007
pasyon ni kristo
sobrang saya bago yung play kasi nakita ko si patice at APA.grabe nakakamiss tuloy ang holy.:( sobrang namiss ko sila at ang iba pang tao,kahit na ipinagkalat ni patice ang bagay na hindi naman na totoo para sa ngayon.ahahaha.
***************************************************************************************************************
sa totoo lang,sobrang nakakabagot yung dula. sabi ko nga kay patty, walang katas ng buhay ang maiiinom mo mula rito.or walang bago,that is. pero kung hahanapan ko ng magandang masasabi tungkol dun sa dula[parang napipilitan pa e,no?]maliban sa mga masasayang kasama kong nanood at naglalakihang biceps ni romnick sarmienta,masasabing kakaiba yung dula sa iba pang "pasyon ni kristo". sa katunayan ay parang malabo ngang matawag syang pasyon kung sa literal na kahulugan ka tututok kasi mas binigyang-pansin yung buhay nya mismo at hindi yung mismong kalbaryo paakyat ng bundok.
nakakagulat din ang kakaibang pagpresenta ng maraming mga tauhan,actually dalawa.haha.una si poncio pilato na madalas ipakita bilang isang walang paki,o minsan pa nga'y mabait na namumuno. pero dito parang sya talaga ang naging kontrabida.
isa pang nakakagulat na pagtatanghal ng tauhan ay ang kay judas iscariot. hindi ko alam kung totoong nangyaring ipinahiya ni Kristo si hudas dahil sa ointment ni maria magdalena. kung totoo yun,nakakahiya akong kristiyano na hindi ko alam na meron pala nun. sakaling hindi naman yun nangyari at bahagi lamang ng paraan ng pagtatanghal, nagtagumpay sila sa paglalagay kay hudas sa ibang anggulo. bagamat isang napakababaw na dahilan iyon para kay hudas, nagiging less stupid[di ko malagay sa salita] ang akto ni hudas kung may rason sya,kaysa wala.
sa mas mababaw na obserbasyon, nakita ko rin ang kakaibang pagkakaugnay ng mga animistikong mga lipunan sa kristiyanismo sa pagitan ng dulang ito. sa simpleng paggamit ng mga damit ng mga katutubo ng ating bansa, naidurugtong ng utak ko[di ko alam kung sadya ba yun,o ako lang talaga] ang kabalintunaan ng paglalahad ng kwento ni Kristo sa isang set na madaling maiugnay sa mga naniniwala sa mga anito.
************************************************************************************************************
ayan.para may guide lang ako para sa reaksyon na gagawin para sa dula. anyway,mag-aaral pako para sa unang mahabang pagsusulit sa filipino. pagtutuunan talaga ng pansin ito dahil nararamdaman kong duguan ang exam. muli,hinihingi ko ang inyong mga dasal,di lamang para sa pagsusulit na ito kundi pati narin sa mga tula ko.hindi pa rin sila[heights] nagttext.:(
Wednesday, August 8, 2007
unspeakable.
1. i'm sorry.
2. i like you.[and i don't know why]
3. inggit ako sa'yo.
4. er.may amoy ka.
5. i still like you.slight.
6. bakit po ang tagal?
7. ano nangyari satin?
8. totoo ba yung noon?
9. you scare me.
10. please.stop.being.corrupt.
11. you're a nagger.
12. do you like me too?
13. i really want to help,but i can't.
14. i really don't like you.
15. you annoy me.
16. but i try to be nice to you,but i really can't.
17. i want to hold your hand.wala lang gusto ko lang.[not something love-related.]
18. ohmygosh.ang hot mo.haha
19. thank you.
20. i love you.
got from ayel.
you don't see me
by josie and the pussycats
This is the place where I sit I dream of worlds where you'd understand 'Cause you don't see me This is the place in my heart 'Cause you don't see me 'Cause you don't see me ************************************************************************************************************ forgive my emo-ness.haha.don't ask.
This is the part where I love you too much
Is this as hard as it gets
'Cause I'm getting tired
Of pretending I'm tough
I'm here if you want me
I'm yours, you can hold me
I'm empty and taken and
Tumbling and breakin'
'Cause you don't see me
And you don't need me
And you don't love me
The way I wish you would
The way I know you could
And I dream a million sleepless nights
I dream of fire when you're touching my hand
But it twists into smoke when I turn on the light
I'm speechless and faded
It's too complicated
Is this how the book ends
Nothing but good friends
And you don't need me
And you don't love me
The way I wish you would
This is the place where I'm falling apart
Isn't this just where we met
And is this the last chance that I'll ever get
I wish I was lonely
Instead of just only
Crystal and see-through
And not enough to you
And you don't need me
And you don't love me
The way I wish you would
And you don't need me
And you don't love me
The way I wish you would
The way I know you could
be part of MKHF!
it started as a joke,and this one also is a joke.haha.be part of MAKE KOKO HEAVY FOUNDATION,and be known to be a good soul for the rest of your life.
donations may come in cash or in kind.but the recepient prefers CASH.haha
thank you very much,and God bless you.
Tuesday, August 7, 2007
ang takure ng angkan namin
"itapon na ang takure,kung gayon!"
yan ang sigaw at mungkahi ko.
pambihira namang
ilang lolo na ang dumaan,
ilang bagyo, ilang digmaan
pero talagang kinakapitan
ang takure ng aming angkan.
nanlilimahid na sa kalawang
at hindi na makasigaw
ang takure ng aming angkan.
anumang init at kulo ng tubig sa loob
sasabog na ang takure,
di pa namin napapansin.
bakit di pa kasi palitan
ang matandang pinagkukuluan.
pakiramdam ko ako si [PLEASE TELL ME KUNG SINO BIDA NG TIME QUEST]
sa Time Quest na paborito kong panoorin
tuwing hapon galing sa 'skwela
kapag ayoko tumiklop sa siesta
sa tuwing madaplisan man lang ako
ng takure ng aking lolo.
anong hiwaga,anong lalim
ang inibibigay nito sa akin?
mukhang wala, mukhang wala
pagkat di na nga magamit nang tama
ang takure ng angkan namin.
itapon na, ibaon na.
anupang gamit ng takure
kung hindi naman ito pumipito
sa tuwing kukulo
ang laman nito?
anong gamit ng tao
kung hindi nya ipinagsisigawan
ang init ng ulo, ang kulo ng dugo?
itapon na ang takure,kung gayon.
************************************************************************************************************
naasar kasi ako kasi naglalakad ako sa kalye,tapos may nagbukas ng gate.tas may binatong something.kung minalas-malas ako e natamaan ako ng bagay na yun na MUKHANG DIAPER NG BATA.bad trip.kumulo ang dugo ko,pero wala akong nagawa.
Friday, August 3, 2007
what?no!
nakita ko si ate na nagtitimbang ng kanyang sarili, at siya'y natuwa.aba.mukhang bumigat sya.kaya sabi ko, "ako nga,ako nga!"
pagtingin ko sa baba,"oh shit" nalang ang masasabi ko.hahaha.
alangyang tumataginting na 82 pounds nalang ako.5 pounds ang nawalaaaaaaaa.5 whopping pounds. :( :( :(
sabay hirit ni ate,baka dahil daw sa buhok ko.
hahahahahahhahahahaahahhahahhah.ibig sabihin yung nagupit na buhok ko ay may bigat na five pounds? unbelievable.marahil kaya ako naglose kasi 4km na tinatakbo namin sa p.e. at naglalakad nako palabas ng ateneo pag umuuwi.
naku talaga.must gain back 10 pounds.:|
Thursday, August 2, 2007
kalayaan sa kabaliwan
narinig ko ang balita mula sa isang asosasyon ng Psychiatry dito sa Pilipinas na dumarami na ang kaso ng mga Pilipinong may sakit sa pag-iisip. una kong naisip na malamang-lamang dahil sa kahirapan ng buhay kaya sila nawala sa tamang pag-iisip[pagpasensyahan ang paggamit ko ng salitang tama. naniniwala akong walang patas na pamantayan para sabihing mali ang kanilang pag-iisip,ngunit para sa pagtatalakay na ito,hayaan nyong gamitin ang nasabing salita.]. tipong gutom na gutom na at walang matirhan ang unang pumasok sa isip ko. hindi nga naman kagulat-gulat dahil isa nga tayong mahirap at magulong bansa.malamang hindi lang puro mahihirap ang mga maysakit kaya sa tingin ko, hindi lamang kahirapan ang syang pangunahing dahilan ng pagdami ng mga maysakit sa pag-iisip.
kapag sinabi mo o kumalat sa kapitbahayan ang balitang pupunta ka sa isang psychiatrist, malamang-lamang pag-uusapan kang baliw.
baliw.
isang salitang napakamapanghusga. sa tingin ko ito ang isang malaking salik sa pagdami ng mga maysakit. nagiging mapanghusga ang ating lipunan sa mga taong may kinakaharap na problema sa emosyonal na aspeto. tuloy nahihiya ang mga taong bumisita sa mga taong makatutulong sa kanila. kaya ayun--natuluyan na.
parang sa aids din yan e. nahihiya ang mga taong sabihin na may sakit kaya hindi na naaagapan o napapahaba nang kahit kaunti man lang ang kanilang buhay.
parang sa guidance lang din. nabubuo ang stereotype na 'pag na-guidance ka, isa kang pasaway,rebelde, bulakbol, patapon. hindi tuloy namamaximize[muli,pasensya na.di ko alam kung pano to ssabihin] ang mga serbisyo ng guidance sa mga paaralan.
marami pang mga sitwasyon na nalalagyan ng salitang "sana" dahil hindi naman natutuloy dahil sa panghuhusgang iniiwasan ng tao. marahil ang panghuhusgang ito rin ang tinatakbuhan ng mga nagkakasakit sa pag-iisip. marahil hinahanap nila ang sarap ng buhay na wala kang paki sa kung ano ang sasabihin ng iba. marahil mas malaya at mas masaya ang mga kapatid nating baliw.
minsan naiisip ko, paminsan-minsan, magpakabaliw naman tayo.