sa dinami-rami ng mga kailangang gawin noong summer term e nawalan na ako ng panahon magsulat dito. at dahil inudyukan ako kaninang magsulat muli rito, atin naman siyang pagbigyan at batiin. hello marvin. :)
nais kong simulan ang pagbawas-bawas sa mga naipon sa mga nangyari noong summer. unang beses kong matulog ng alas-singko nang umaga. masaya ako't nagbunga naman ang aming mga pinaghrapan--o mas angkop yatang sabihing pinaghirapan ni dyaime--sa itm. masaya rin naman ang mga naging resulta ng chinese at math; di ko pinagsisisihang kunin ang aking mga prof. patuloy pa rin ang aking swerte sa mga guro. ipinagdarasal kong hindi naman ito maubos.
gusto ko rin sanang samantalahin ang pagkakataong ito, bagamat huli na, ang magpasalamat sa lahat ng mga nakaalala sa aking kaarawan. salamat sa aking hs friends na nagbigay ng sangkatutak na lollipop, gummybears, notebook at isang birthday video. salamat sa aking college friends sa balloon at cake. sa mga iba pang nagregalo na 'di ko na iisa-isahin. sa mga tumawag[or sa tumawag,ehem.haha]. kay sir anton na nagbigay ng clue sa LT [haha. wag mag-alala,di ko rin naman nagamit yung clue niya :)) ]. sa lahat-lahat. masasabi kong masaya ang aking kaarawan ngayong taon dahil nariyan kayo, walang gaguhan 'to. :)
tinanong ako ni layos ano raw gusto kong regalo if ever tanungin ako ng someone kung anong ireregalo niya sa'kin, ano raw hihingin ko. at sa katotohanan ay wala akong maisip na material na bagay kundi pera. pero mas gusto ko talagang immaterial ngayon--maturity at stability. sige haluan mo na rin ng world peace.
sa ngayon e parang walang direksyong pinatutunguhan ang buhay ko. pagod, at gulong-gulo. di masasama sa next issue yung artik ko...baka sa next nalang daw. ang kaso, pa'no kung aalis na nga ako. hay. ang gulo talaga. sabi ni miss lagud noon...hindi raw lahat ng artik e pang-RockEd [yung artikulo ko na buong puso ginawa.] pero sana dumating naman ang panahong makasulat uli ako noon...nawawalan ako ng buhay...tulong!
at sa ngayon e bibigyan ko nalang ng ilang mga mensahe ang iba't ibang tao...di ko nalang sasabihin ko sino sila.
sana wag mali ang basa mo sa mga kilos ko. dahil hindi.
ikaw rin,wag kang ma-assume.
di ko talaga feel yung girl :(
sorry di ako madalas asa bahay.
nanggagago ka ba na naman? [asang mabasa mo 'to.]
hello :-B
ang cute mo *SHET* [haha roxy]
that's what i like[d] about you ;)
Friday, May 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment