Monday, December 31, 2007

2007

okay so ililista ko lahat ng naalala ko sa 2007.hahahaha

  • graduation. thank God i graduated with honors. it was a grrrrrreat surprise.
  • elite 2007 and sandiwa. maaaaaaaan i miss you. and sa sandiwa ko unang naramdaman na may kwenta akong leader.....
  • pero sa sandiwa rin ako deretsahang nasumbatan na wala akong kwenta.haha
  • matinong investi![haha sorry nakita ko kasi yung folder ng investi natin...hahaha]
  • pumasa ng UP,Ateneo at UST. YEY!
  • shet pumasok sa admu!
  • shet pumasok sa M.E.
  • SHET natanggal sa M.E.
  • [2008::SHET babalik sa M.E.]
  • T5!!!
  • lunchmatesssssssssss :)
  • sir minaaaaaaaaaaa
  • tan gana
  • si ANO.hahahaha
  • this was the year na iniyakan ko ang dalawa kong kaibigan sa fear na mawawala sila. si TETE, [remember?] at si ODI. [...]
  • SANTOL PATROLLLLLLLLLLLLLLLL
  • kaibigan sa simula palang....aw man.
  • eto yung taon na ilang beses akong nagkasakit,man!
  • SIR EGAY
  • battle scar ko sa kaliwang arm...
  • kuliti ko sa kaliwang mata...
  • FRIEDRICHHHHHH[my camera.haha]
  • mga tula
  • panahon na nawalan ako ng pag-asa...
  • PANAHON na bumalik ang vision ko at passion for life...
  • first time na may nag-attempt manligaw.NAKS.
  • nagpadiretso ako ng buhok...
  • may plano na ang bahay namin.
  • nasali ako sa isang matinong publikasyon
  • nagkaron ako ng chance na parang anlapit ko na sa pangarap ko
  • tas hindi pala
  • first time kong maramdaman na masaya ako sa ginagawa ko
  • DL,yey.
  • first super close crush.awwwwwwwwwwwwww.[di naman nya to mababasa e.haha]
  • wala nakong maalala susme

so there.haha i'm fired up for 2008 kasi nung mga huling linggo sobrang down ako PERO HINDI NA NGAYOON! waha. bigyan nyo nga lang ako pera...pati load inuutang ko nalang....HAHAHAH

[gusto ko nung librong Seeing by Jose Saramago.pabili naman o.... hahahaha.asa nalang]

Sunday, December 30, 2007

wala lang

astig e. personality test. might be my last post for the year :)

Your view on yourself:

You are intelligent, honest and sweet. You are friendly to everybody and don't like conflict. Because you're so cheerful and fun people are naturally attracted to you and like to talk to you.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:

You like serious, smart and determined people. You don't judge a book by its cover, so good-looking people aren't necessarily your style. This makes you an attractive person in many people's eyes.

Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

The seriousness of your love:

Your have very sensible tactics when approaching the opposite sex. In many ways people find your straightforwardness attractive, so you will find yourself with plenty of dates.

Your views on education

Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.

The right job for you:

You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:

You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.

What are you most afraid of:

You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.

Who is your true self:

You are mature, reasonable, honest and give good advice. People ask for your comments on all sorts of different issues. Sometimes you might find yourself in a dilemma when trapped with a problem, which your heart rather than your head needs to solve.

aw,swak e.haha

http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx

Saturday, December 29, 2007

susme

gising pako.

2.30 na.

sana di ako mahuli na gising pa.hahaha

Friday, December 28, 2007

hindi ako naninilip

upang malinawan ang isang matandang kasabihan at pati na rin ang aking [non-existent] reputation::

it's either i have this,

Staphylococcal blepharitis

Staphlycoccal blepharitis is a type of external eye inflammation. As with dandruff, it is usually asymptomatic until the disease progresses. As it progresses, the sufferer begins to notice a foreign body sensation, matting of the lashes, and burning. Usually, the primary care physician will prescribe topical antibiotics for staphylococcal blepharitis. Unfortunately this is not an effective treatment.

This ailment can sometimes lead to a chalazion or a stye.[1]

or this,

Posterior blepharitis or Rosacea associated blepharitis

The most common type of blepharitis is often found in people with a rosacea skin type. The oil glands in the lid (meibomian glands) secrete a modified oil which leads to inflammation at the gland openings which are found at the edge of the lid.

basta alam ko,blepharitis. haha. it's not contagious, nor deadleeh. haha. there. i have nothing better to do kaya nagresearch [o eff.research.paper?die.] ako. haha :)

Thursday, December 27, 2007

sorry sabaw.

naisip mo na ba,ikaw na tao e namamanipula ng mga linya?

sa daan, sa cr, sa jeep, sa kama, sa lahat.

In Euclidean geometry, exactly one line can be found that passes through any two points...

mula pagkabata.

blue-to-blue. red-to-blue. form one line. arms forward.

hanggang sa pagkabinata't dalaga.

pero lalong-lalo na sa pagtanda.

sa mismong papel nga, importanteng importante ang mga linya.

lalo na yung nasa baba.

pero walang kwenta ang linyang iyon kung walang mga kurba.

pero linya parin yun.

A line can be described as an infinitely thin, infinitely long, perfectly straight curve (the term curve in mathematics includes "straight curves").

at iyong mga kurbang iyon ang magpapagalaw ng tao

at ng mga isip nila.

at paiikut-ikutin ng isang "infinitely thin, infinitely long, perfectly straight curve" ang buhay ng mga nagsasabing pinakamataas na uri ng hayop.

kung iisipin mo.maski ang tawag sa pag-inog sa mundo,

binase sa linya.

kaya tao::

tao ka nga. e linya ka ba?

*

di ko alam tawag dito.ano ba to?hahaha.di naman to tula.di rin isang joke. di rin naman isang kwento. ah alam ko na,isang thought. [oooooooh.hahahhaha]

Wednesday, December 26, 2007

rotfc

rolling on the floor crying.

wea corny.

pero %^^&!*%#!))@#!*#&^@* how could i be so stupeeeeeeeeeeehd.

:|
[school stuff.]

ang tae talaga. dahil dyan daanan niyo nalang devart ko. click here.

Monday, December 24, 2007

tulad ng mga tala

[some wishful thinking...kailangan ko lang hanapin ang sarili ko.]

Sa pagnanais ng katahimikan ako’y umupo sa semento sa may harapan ng aming bahay. Aking sinilip ang mga talang hindi nahihiya at hindi kinukubli ng mga ulap. Mainit ang panahon at hindi ito tulad ng mga gabi ng mga nakaraang pasko. Wala kang mararamdaman na pagnanais yumakap ng unan o uminon ng mainit na tsokolate. Ngunit umupo pa rin ako—sa nag-iisang malamig na bagay maliban sa aking puso, ang semento.

Matagal ko na siyang hindi nakakausap at nakakamusta. Bagamat madalas ko siyang nakikita at nakakasama sa paaralan, sa bahay, maging sa dyip na aking sinasakyan pauwi. Mula pa pagkabata ay magkasama na kami. Paminsan-minsa’y nawawalay kami sa isa’t isa ngunit iba ngayon; iba ang gabing ito.

Bago pa ako malunod sa mga alaala at alikabok ng inuupuang semento, dumating siya. “Matagal na kitang ‘di nakakausap a. Halika nga’t umupo ka. Kailangan kita rito,” ani ko sa kanya. Umupo naman siya at pinaunlakan ang aking imbitasyon.

Sinindihan ang unang kandila ng adbiyento—ang kandila ng pag-asa.

Wala pa ring nagbago sa kanya. Siyam pa rin ang nunal niya sa kanang kamay, kulot ang buhok at sobrang payat. Kumikinang ang mga nakasabit na ilaw sa kisame ng labas ng aming bahay sa kanyang bilugang mga mata. Matalas ang mga iyon tumingin at natahimik lamang ako sa lakas ng kanyang dating. Iyon ang mga matang malayo kung makatanaw. Iyon ang mga matang nakilala kong ginawa nang may pag-asa. Iyon ang mga matang hindi ko nakitang mamatayan ng apoy.

Nakimi lang kami nang ilang minuto habang ang kanyang mga matang may lakas ng hindi ko malamang pwersa ay tinitignan ako nang parang nangungutya.

Sinindihan ang pangalawang kandila ng adbiyento—ang kandila ng daan.

“Saan ka nanggaling?” ang una kong tanong sa kanya nang sumobra na sa sampung minuto ang aming katahimikan. Matipid niyang isinagot ang, “sa tabi-tabi lang”. Matahimik siyang tao. Hind tulad ko na kinailangan pang pagsabihan upang maipreno ang humaharurot na bibig. Ika nga nila ay malalim ang tahimik na ilog. Siya iyon, at hindi ako. Marami siyang bagay na itinatago sa kanyang kalooban. Mga bagay na hindi mo aakalaing naro’n pala. Mga bagay na puno ng buhay at pag-asa. Mga bagay na matagal ko nang hinahanap at sa kanya ko lamang natatagpuan.

Sinindihan ang ikatlong kandila ng adbiyento—ang kandila ng kaligayahan.

Inulit ko sa kanya ang tanong, “Saan ka ba talaga nanggaling?” “Narito na ako. Wala na sigurong kwenta ang kung saan ako nanggaling o paano ako nawala” ang paliwanag niya sa akin. At hinawakan niya ang aking kamay. Ang kanyang kamay na may init ng ligaya.

May mga inilabas siya. Isang aklat The long road of dreams ang pamagat. “Naalala mo ito?” tanong niya sa’kin. Oo, naalala ko iyon. Ang aklat na naglalaman ng mga pangarap niya. Ipinakita niya sa akin ang makakapal na tisyu, size 4, pilas ng mga notebook, bond paper at lahat na ata ng papel sa mundo. Mga tula niya ang nakasulat doon. Ang kanyang mga ideya, pananaw at paniniwala na sinubukang isulat at itali sa papel. “Nababasa ko ang tingin sa iyong mga mata,” bulong niya sa akin. “hindi lamang ito akin kundi sa’yo rin.”

At bigla na lamang siyang nawala. Ngunit ramdam ko ang init ng kanyang kamay, layo ng tanaw at himig ng katahimikan.

Naglaho ang manipis na linya ng panahong naghiwalay sa’ming dalawa.

Sinindihan ang huling kandila ng adbiyento—ang kandila ng kapayapaan.

Sa pagnanais ng katahimikan ay hinanap ko siya. At nakita. At aking naalala na siya ay ako at ako ay siya. Marahil sa bilis ng panahon ay aking nakaligtaan kung sino ako, kung sino siya. Marahil naiwan ko ang aking sarili sa kung saan na aking nadaanan. Marahil tulad ng mga tala ay naikubli lamang ang aking pagkatao ng mga ulap. Mali lang siguro ang tingin ko. Ngunit wala nang kwenta kung saan ito nanggaling o kung paano nawala. Ang mahalaga ay narito siya sa akin at naroon ako sa kanya.

full of crap.

or maybe not. i know it's christmas so if you all just wanna hear about all the good stuff then stop and read this some other time.

but maybe then this will have no meaning at all to me anymore.

anyway. i know that it is so late for me to wish for something but maybe when i write about it and people can read and know about it then it'd come true. i don't know what's happening to me right now; i feel so lost, i don't know why. it's just that i cannot even remember why i was living the day before this and the other and the other. i feel i have no purpose right now. not like before. i'm missing my old self. i couldn't see the future and stuff that i want to do and words that i want to say. i can't get in touch with myself. i just wish, not only for christmas, that i can regain my consciousness, my vision, the fire in my heart. because really, now i feel so cold and empty and blank. i need my dreams. please give them back.

Friday, December 21, 2007

mula sa kiko machine

ni manix abrera [sorry tinatamad iupload yung mismong strip]

panel one::
guy one:: pre, if there's a will, there's a way!
guy two::true!

panel two::
....
....

panel three::
guy one:: pero ngayon distorted na e...there's the way, where's the will?
guy two::rak en rol!

ooooooh~ philosophical! love it.

Sunday, December 16, 2007

haha

just had to share this. so today was quite a sunny day cause i feel better now [!!!] :D so parang ang saya saya kong umuwi tas nung asa eskinita na ako, may kapitbahay kaming nagdidilig ng halaman sa kabilang bakod.so sige.di nya ko nakita. at saktong nabasa ako so parang,taena.pero sige.haha.tuloy pa rin.natawa nalang ako.haha.wala lang:D

Friday, December 14, 2007

a sick post. haha

okay so went to the doctor [yes, finalleeeeeeh] and guess what. i have bronchitis. acute,that is. sabi sa infirmary nung una "almost bronchitis" lang.haha. but now it is bronchitis na talaga. i have to take antibiotics and nebulize thrice a day and stuff, but yey. I LIVED and i still will till the end of mill[enium.sorry.nagrhyme e.hahaha] so dear friends, do take your vitamins and don't stay too close to me. hahaha. on the downside, ang kuliti ko ay narito pa rin.di ko pa sya napatanggal dahil walang doktor kanina :( sooooo. yea. that's all.

Sunday, December 9, 2007

deliryo

habang gumugulong ang mga salita mula sa aking dila, hindi ko namamalayang tumatakbo na pala ang mga sinasabi ko mula sa'king isipan. nawawalan ng kontrol sa mga bagay-bagay hanggang ang mga tao sa paligid ay hindi na'ko maintindihan. sa sakit ng ulo, inakala kong ambulansya ang paparating na tunog ngunit nang dumating ang hikbi sa dulo ng mahabang "waaang", nahuli ko. bata lang pala. batang umiiyak. batang may kasiguruhan sa nadarama. batang hindi umiikot sa ulo ang lahat ng pwedeng umikot na parang karambola. batang alam niya kung bakit siya umiiyak. batang alam kung bakit masakit. batang di nagdidiliryo. batang di gaya ko.

sorry kinailangan ko lang magpost ng something.

Saturday, December 8, 2007

:)) :| :( :((

ako:: ate.ansakit ng katawan ko. kain na tayo please para makainom na ko ng gamot.

ate:: e nagluluto palang e...

....

ate:: ay uminom ka na ng gamot. sabi ni john lloyd, kahit walang laman ang tiyan okay.

tatawa na sana ako kaso sobrang sakit ng katawan ko. hahaha

Friday, December 7, 2007

my other poem on love

[para lang matabunan yung supot kong soneta. hahaha. wrote this for heights,di natanggap,malamang. hahaha]

Nakatikim ka na ba ng coke na sobrang lamig? Yung tipong kahit walang yelo e ayos na? Yung tipong mismong bote yung nagyeyelo? Yung tipong humahagod sa lalamunan at masakit sa ilong pag dumighay ka? Ako oo, at iyon ang pinakamalapit na bagay na nagawa ko sa paglalasing. Masakit uminom ng coke na sobrang lamig. Parang tinutusok ang dila mo, ngalangala at lalamunan. Mararamdaman mo ring puputok na ang iyong tiyan sa hangin.

Ang pag-inom ng coke ang pinakamalapit na bagay na nagawa ko sa pag-ibig.

Masarap, kahit masakit. Gusto mo pa ring inumin kahit na alam mong mangingiwi ka sa bawat lagok. Sa katunayan isang lagok nga lang ang kaya ko sa bawat pag-inom.

Masarap ang coke na sobrang lamig.

Masakit ang coke na sobrang lamig.


sonnet 143

[supot ang title,mas supot pa ang tula.wahahaha. lit homework.]

I thought love was created to annoy
like a cricket in one of those sleepless nights,
like a baby wailing just to get that toy
till you want it gone from your sight.

I thought love was made to make you sad
like when your lollipop broke into pieces
when it was something you never had
and you'll have to wait, till you're this close to madness.

I thought love was something evil
like darkness that creeps in the way of your door,
like spiders and webs and soot on the sill,
you'll want more of more, and more.

i think of love always with a was,
for now i know it's nothing like in the past.



wahahaha.supot talaga e.makagawa nga ng tagalog na tula tungkol sa pag-ibig.pambawi?hahaha

no english for monday.

yep. for en12r46, no english on monday, december 10. deadline of bibliography on wedenesday,dec13.but submit still your minor essay2 on monday in maam's pigeonhole. pakisabi sa iba :)

*********
may show si manny pacquiao at chris tiu sa gma. :-O

"tik-tik-tik-man ang kamaoooooo"

hahahaha

Thursday, December 6, 2007

sa libing ng isang pangarap

wala namang kakaiba sa libing ng isang pangarap. itim pa rin naman ang madalas na kulay ng suot; may paminsang pag-usbong ng puti pero dilim ang talagang kulay ng araw na iyon.

wala namang mahalagang taong sumusulpot sa libing ng isang pangarap. tanging ang may-ari at ang ilang mga alaalang kasama ng pangarap.

hindi naisusulat sa pahayagan ang isang libing ng pangarap kaya naman walang mga reporter, walng maiiingay at walang mga ilaw mula sa gahiganteng camera.

walang araw sa tuwing inililibing ang pangarap. kaya naman sa libing ng isang pangarap ay mayroong lamig: lamig na maski ang init ng luha sa pagdampi nito sa mukha ay hindi madarama; lamig na maski ang panahon ay titigil sa pagtakbo; lamig na magdadala ng iba pang kamatayan.

wala namang kakaiba sa libing ng isang pangarap. walang bago. walang kahit ano. at higit sa lahat walang mga salita na makahuhuli sa tunay na emosyon, kulay, init o lamig, tunog, amoy at kung ano pa sa libing ng isang pangarap.
*************************************************************************************************************
matagal ko nang gustong isulat to pero walang oras. tapos nabigyan kami ng pagkakataon sa fil12 na magsulat ng kahit ano. yey sir nori. finally naipost ko na :)) sorry kung abrupt yung dulo. i know i wrote a better ending for this only we had to fill up the whole inter pad till the back part so nung "natapos" ko na sya sa unang beses na pagsusulat, kinailangan kong i-correction tape yung original ending at habaan sya. sana magustuhan nyo. sa mga dreamers out there, alam ko kung ano ang pakiramdam ng mamamatayan-na-ako-ng-pangarap moment. haha. kaya ko ito naisulat.

Monday, December 3, 2007

ang hirap

pag di maintindihan ng tao ang nadarama
pag nagparinig ka na at lahat-lahat
pag nangangati ang kuliti sa mata mo
(at wala silang masabi kundi uhhuh)
pag di nila kilala si pepe smith
pag di nila alam yung npc mural
(na sana ang may alam itaas ang kamay
same goes for pepe smith)
pag di ka kinakausap nang matino
pag di ka narinig ng jeepney driver na estudyante ka
(kahit pa naka-id ka na't may bag na malaki)
pag may yelo ka sa kaliwang kamay
(at may limang windows ng ym na kinakausap)


pag naubusan ka na ng ililista
(sa listahang wala namang kwenta)

Sunday, December 2, 2007

my lover

My lover’s bod is nothing like the mountains; charcoal is way lighter than, or at least as fair as his skin. If he were a rockstar he’d pass for Pepe Smith’s twin, though his voice is no deeper than a puddle on the street. He is a great shampoo commercial model, only he is always shown in the Before part. He has a nose nothing like Mayon’s form; his biceps even smaller than the modern day one-peso pandesal; his face far bumpier than the road next to ours. If eyes be windows to one’s soul, then I guess his soul hoarded webs and dust, and has never seen light. And yet if you search a hundred times over, you will find out with much surprise that everyone to my lover’s love has no compare.




**********************************************

hahaha. lit homework. so really, i don't have a lover. but this wasn't pure fiction. HAHAHAHAHAHAHA

speaking of love, i just remembered, thanks to odilon, that i have a passion for toys and that i want to own this toy store ala Landes&Hobbes. and i'll name it.....


wag nalang.hahaha.baka may magnakaw. well, it's not the most creative name ever but yea. hahaha. only jessie ericta knows the name, and i don't have any clue if she even remembers.


do you,jessie? hahaha :)
********************************************************************
happy birthday Angela P. Anastacio :)
*******************************************************************
let's all pray for the people hurt today, especially Leon Caguioa, Dondon Lucenario, Knight Roderos, Edward dela Vega, Tito Ben Caguioa, and Joey Carlos. i know i never knew you personally, but still.