Monday, October 15, 2007

mama,masakit.

sa aking pagsakay sa isang jeep,
may isang bata,
katabi ang kanyang ina
sabay bulong ng:
mama,masakit.

may lamig na dumaan
sa aking likod;
hindi maipaliwanag
hanggang sa aki'y nalantad.

sa akin nalantad ang madilim na butas,
pinaliligiran ng mamula-mulang laman...
tinanggalan ng kung ano
at kailanma'y di na matatanggalan pa.

kung ano mang tutubo
sa madilim na karimlan,
wala na syang pakialam.
pagka't masakit.
at ibinulong lang nya sa kanyang ina,
mama,masakit.

No comments: