Friday, September 28, 2007

kabilaan

binalak kong bilugan ang sagot sa test
pero naisip kong naikahon na
ako ng kumbensyon ng pagsagot.

titignan ko sana ang oras
sa pag-uwi
pero ako'y nagmamadali;
wala nang oras.

inapakan ko ang ipis na
lumilipad at nananakot sa akin.

pinindot ko ang "return"
para magpatuloy.

tumulalala ako
para
maghanap ng kahulugan.

magmumura sana ako pero
naalala kong
mas dakila pala ang
magmahal.

walang idea sa kanin.

walang idea sa kanin.
hinanap ko na,kinutkot at kung ano
parang sugat na di magpapatalo--
dumugo na nang dumguo
wala pa rin akong napipiga
sa kawawang utak ko.

lumipad na ang utak ko
sa mga panahon ng wild wild west
sa loob ng isang jeepney
at sa mundo ni jack at ng kanyang beanstalk.
nakarating na sa mundo ng reality shows
at nakaisip na ng mga di dapat maisip
tungkol sa mga bakla at mga stragiht.
pero wala parin,
walang idea sa kanin.

Thursday, September 27, 2007

one weekend.

FORTY PAGES LEFT. a script to write. two novels to re-read. two long tests-- one of numbers, one of words. a "birthday" to attend. a game to win. a load of laundry. a narrative to think of. a life to live. a lot of things. a lot of dreams left in dreamland. an end ahead. a storm coming. days before christmas. a neck to rest. five kilometers to run. thirty minutes to do it. so many fragments. i can't believe there're no run-ons. signal number one. this is becoming too crazy. yey,just like me. one noisy koko. one giddy koko. can't.wait.for.sembreak.and.christmas.AND UAAP FINALS.let's go admu.hehe.labo.

**sa hinaba-haba ng prusisyon,sa simbahan din ang tuloy. sa kinahirap-hirap ng hell week, sa sembreak din ang tuloy!!!:)

Saturday, September 22, 2007

Pilipino,sino ka?

*a friend asked me to write a paragraph on who the modern filipino is.do read this with conviction cause i wrote it with much of it. :)*

Sandaan at siyam na taon malipas ang diumanong paglaya ng Pilipinas mula sa mga dayuhan, naitanong nga ba natin kung sino tayo? Sino ang Pilipino at ano ang naghihiwalay sa kanya mula sa iba pang kultura.

Madaling sagutin na ang Pilipino ay halo ng iba't ibang mga lahi bunga na rin ng matagal na pananakop. Pero yun lang ba ang identidad natin--mga tira-tirang retaso ng kung sinumang dayuhan? Tila di ko yata matatanggap iyon. Para sa akin, ang Pilipino ngayon ay ang mga taong gipit, mga taong hirap, mga taong gutom. Pero sa kabila ng ito, naniniwala akong ang mga taong Pilipino ay silang mga taong nagsisikap, mga taong nangangarap, mga taong umaasa na bagamat ubos at said na ang lahat ng pag-asang pwedeng asahan, kumakapit pa rin at pinipilit lumangoy sa agos ng buhay ang tunay at modernong Pilipino.

Pilipino,sino ka?

Thursday, September 13, 2007

isang bukas na sulat sa kabataan

naranasan niyo na ba yung mga panahon na sakto, sapul at swak na swak ang mga pangyayari na ang gusto mo nalang ay maiyak dahil wala nang salita pang makapaglalahad ng pagiging tama ng mga pangyayari?ako,oo. at sa ngayon, may isang tao akong napakinggan. si gang. inggit ako sa kanya kasi siya narating niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. sa una, ang inggit na yun ay nagdulot ng matinding pagkadismaya sa aking sarili. ilang gabi rin akong nag-iisip kung anong gagawin ko kasi walang direksyon ang aking mga pangarap. kumbaga sa road trip e fully-loaded ang engine, mapa nalang ang kailangan. subalit sa di malamang kadahilanan, [at mabuti na lamang] naisalin ang tindi ng aking inggit patungo sa pagiging isang inspirasyon. dahil sa kanya, nakita kong pwede at kaya palang maabot ang mga pangarap. bagamat hindi pa ngayon, hahanapan ko, pangako, ng panahon ang mga iyon.

nakapanayam namin siya at naisin ko man na ikopya ang buong transcript ng panayam, mahaba. kalahati palang limang pahina na. so, eto nalang ang ilalagay ko.

Because I really believe that Philippine history is written by each personal life story. Philippine history is a combination of individual decisions, individual life stories. Di ikaw ang pag-asa ng bayan; ikaw ang bayan. Yung life story mo, yun ang kasaysayan nf Pilipinas. Now I don’t mean this in the publicity, history book sense a. I decided to make my life Phipilippine history and everyone should do the same. Make your life part of Philippine history. No,not part. Make your life Philippine history. Yun, so all the failures, all the bad decisions, all the nadapa ka sandali, all the picking-up and standing-up again, kasaysayan ng bayan.

hanep. yan. yan yun e. yan ang dapat gawin ng bawat pilipino. angkinin ang bayan. kung di mo to pagmamay-ari aba'y UMALIS KA NA RITO.DI NAMIN KAYO KAILANGAN. kung di rin lang para rito sa bayan na ito ang iyong ikinabubuhay e di lumipat ka na para sa ikabubuhay mo. saan?sa CANADA?SA AMERIKA? sige.lumayas kayo,mga walang kwenta. wag niyo kong hihiritan ng "para sa pamilya ko ito..mahirap ang buhay.." dahil ang kausap ko ngayon e yung mga kakilala ko at sa pagkakaalam ko wala namang lugmok sa kahirapan sa mga iyon. ang titinding humuthot ng pera sa mga magulang e. this is very unfair, i know. pero sorry a. yun lang talaga ang tingin ko. kung ayaw niyo ng mahirap na buhay e paghirapan natin ang buhay na yun. asuyin natin ang pilipinas. wag niyo naman ipasa nalang sa susunod na henerasyon dahil kahit kailan e di na yun titigil. ayaw mo bang mamatay nang may dignidad? pwes ako gusto ko. ang gulo gulo na nitong sinasabi ko. sinusulat ko lang ang mga 'to sa kung anong sumusulpot sa utak ko. tigilan na natin ang pag-iisip na maging pag-asa ng bayan.simulan na natin,ano ba. siguro ngayon wala tayong oras,maski ako wala dahil sa limpak limpak na homework at kung ano pero sana isama natin sa plano natin yung pilipinas. tara, kabataan. ubos na ang katawan ni rizal di pa rin nagkakatotoo yung sinabi nya.

*lahat ng maiiwan,itaas ang kamay.

Sunday, September 9, 2007

intellectual conversation.not.haha

fun conversation with jescia aquilizan.[i censored this,of course.haha]

it started with her reply to my stat mes[ ang aking dasal(nung admu-dlsu):: malaman na niyang crush ko sya,manalo lang kami,lord!manalo lang kami!]

jescia: ako no chocolate and no swear words
Nicole De Vera: hahahaa
Nicole De Vera: we're so cute.
Nicole De Vera: we love our school so much.
Nicole De Vera: or we hate losing.
jescia: for one whole week.haha ywah
jescia: eww nagkita kami ni kantoboy.ooops.sabi ko sakanya di ako manonood e.haha
Nicole De Vera:
Nicole De Vera: e.madali lang yung sayo e.yung akin hanep.hhahaaa
jescia: hahaha.si TOOT pa rin ba yan?
Nicole De Vera: oo naman.
jescia: wohooo.can't get over!
Nicole De Vera: hahahaha.i know.
Nicole De Vera:
jescia: baka mas okay na alam niya.malay mo,dasal rin niya yun kanina.
Nicole De Vera: aww.
Nicole De Vera: sana nga.
Nicole De Vera: hahaha
jescia: **sana umamin na si koko**
Nicole De Vera: kupal.aamin lang ako pero wala siyang aaminin.
Nicole De Vera: ang yabaaaaang.haha./
Nicole De Vera: well,mayabang naman talaga sya.
jescia: hahaha talaga?tsk.ateneo high kasi e.so aamin ka nga????
jescia: go go go koko!jescia: take the risk!
Nicole De Vera: syempre hindi no.
Nicole De Vera: anuba.
Nicole De Vera: ano sasabihin nya?"ah ok"
Nicole De Vera: ayoko.
Nicole De Vera: di na nga kami friends ngayon pag inamin ko pa baka lalong di kami maging friends.
jescia: anong di kayo friends?favorite TOOT nga kayo diba?hahaha
Nicole De Vera: hha.
jescia: haha move on na kokooooo.he's not worth it.
jescia: i think.haha
Nicole De Vera: di kami nag-uusap.alam mo yun?text lang.
Nicole De Vera: yan din ang sabi ng utak ko.
Nicole De Vera: naisip mo na bang nobody's worthy in our eyes..
Nicole De Vera: ewan ko a.antaas masyado,ang kapal ng mukha natin.as if we belong to their standards.
jescia: onga e.pero ayokong ibaba.hindi pwede.naniniwala akong there's someone who has my standards and will be mine.someday.hahaha
Nicole De Vera: hah.di.wala naman talaga akong standards e.
Nicole De Vera: basta nararamdaman ko nalang.
jescia: haha pero kasi important rin yung: may utak,may paniniwala sa Diyos,may pera at hindi naninigarilyo e.
Nicole De Vera: o yan,oo.
Nicole De Vera: pero yung standard na gwapo wala talaga.
jescia: onga.pero we have a standard.kasi alam naman nating hindi tayo papatol sa walang hitsura talaga.as in please lang.diba?Nicole De Vera: o pano mo naman nasabing he's not worthy?
Nicole De Vera: [ohmygosh i'm defending him.]
jescia: yehes.haha
jescia: i mean,if he's smart,rich,not smoking and quite religious,kahit pangit,gumagwapo
Nicole De Vera: palitan mo yang stat mes mo,baka akalain ni altar boy siya ang tinutukoy mo.
Nicole De Vera: er..smart!
Nicole De Vera:
Nicole De Vera: not smoking.
jescia: haha wala naman siya e
Nicole De Vera: quite religious!
Nicole De Vera: ang lola niya.
jescia: ayan pala e.edi go go go!
jescia: ay.
Nicole De Vera: o e pano mo nga sya najudge?
Nicole De Vera: sa tingin ko lang a.mawawala talaga yang lahat ng yan pag nagmahal ka.
Nicole De Vera: YEHES>
Nicole De Vera: *.Nicole De Vera: seryoso.
Nicole De Vera: pano kung religious pero smoker?
Nicole De Vera: anong gagawin mo,aayawan mo na?
Nicole De Vera: di naman sa paninigarilyo o hindi nasusukat ang pagkatao ng isang nilalang.
Nicole De Vera: nasa kakayanan niyang iwaksi yung paninigarilyo kung sakali.
jescia: i mean,kung ganon,well,nababalance.kaya pwede.
jescia: you still have to make sure he's alright diba?
Nicole De Vera: di talaga.
jescia: you wouldn't want to look like a fool in the end
jescia: okay.point taken.
jescia: haha
Nicole De Vera: mas mukha kang fool kung wala kang tinanggap kasi nga may standards siya.
Nicole De Vera:
Nicole De Vera: *ka
Nicole De Vera: o si altar boy.
Nicole De Vera: pano kung maayos pala sya?
jescia: you have to.edi tatanggapin ko si altar boy?dahil religious siya at mabait,pero wala namang kinabukasan?
Nicole De Vera: sino nagsabi sayong walang kinabukasan si altar boy?
Nicole De Vera: sobra ka naman.
Nicole De Vera: di.
Nicole De Vera: ang standard lang talaga dapat e nasa pagkatao.
Nicole De Vera: yun lang at wala nang iba.
Nicole De Vera: sige,tama ka.Nicole De Vera: dapat may pamantayan.
Nicole De Vera: pero wala sa mga specifics na yan.
Nicole De Vera: dapat kung pano o bakit may mga ganun siya[i.e. religious] pinagbabasehan.
jescia: kay kanto boy,kamusta naman.di nag-aaral?hindi talaga.
jescia: teka paki-rephrase yung huli
jescia: di ko nagets.
Nicole De Vera: oo pero ibig mong sabihin di dapat mahalin ang mga mekaniko?
Nicole De Vera: nasa pagkatao lang.yun lang.
jescia: at least mekaniko may alam gawin.siyaaaa.ewan.basta.no to altarboy.yes to guys who have...
jescia: who have...
jescia: hmmm
Nicole De Vera: good personalities nga.
jescia: who have...
Nicole De Vera: yung buo.
Nicole De Vera: hindi yung may checklist.
jescia: yes.as a whole.
Nicole De Vera: ayun nga.
jescia: okay.di bale nang distorted ang ilong.basta napapasaya ka naman.okay.tama.
Nicole De Vera: see?
Nicole De Vera: haha.
Nicole De Vera: di bale nang naninigarilyo basta kayang makontrol or better yet matanggal.
jescia: yes.pero kasi may mga taong ganun pero kahit anong close niyo,wala paring love na pumapasok.as in wala lang.close lang kayo.never mong maiisip na gustuhin siya.Nicole De Vera: ha?bat napunta dito?
jescia: eh kasiii.wala lang.naisip ko lang.good personality,pero walang love.haha
Nicole De Vera: ah..
Nicole De Vera: e kaya nga dapat makahanap ka ng good personality na magmamahal din sayo.
jescia: yes.o (inserthisnamehere), nasan ka naaaa?sigh.
Nicole De Vera: onga.
Nicole De Vera: hay.haha
jescia: ang ratio is 1:3 diba?kailangan unahan yung 2 babae pa.hahaha
Nicole De Vera: hahahah
Nicole De Vera: ilan ba ang frequency ng nice girls?HAHA.cause i'm not nice.
Nicole De Vera: pang kaibigan type lang ako.
jescia: hahaha.dumadami na ang malalanding babae sa mundo.depende lang sakanya kung anong pipilliin niya.haha
Nicole De Vera: haha.
Nicole De Vera: kung ako talaga lalaki mga taga-holy ang pipiliin ko.
Nicole De Vera:
Nicole De Vera:
Nicole De Vera:
jescia: ako rin.ayoko ng taga-TOOT/taga-TOOT #2 kahit gano man siya kaganda.
Nicole De Vera: yes.
jescia: ehem.biased.
jescia: we have substance e
Nicole De Vera: i know.Nicole De Vera: will post this conversation sa multiply.
jescia: suresure.
jescia: btw.kamusta naman ang kilusang kaliwete?
Nicole De Vera: wala paring pera.
Nicole De Vera: di pako binabayaran,anuba.
jescia: haha para dun sa site?but we can start naman na diba?
jescia: like GA muna.hahaha yes may ganito.
Nicole De Vera: hahahahhaha
Nicole De Vera: kasi iniisip ko yung kilusan ay naglalayon na baguhin ang isip ng mga tao.
Nicole De Vera: pagkat napapanis ang mga nutribun at kumukupas ang pintura ng mga bahay pero ang mga paniniwala,panghabambuhay.
jescia: ahh.so instill the beliefs first.right.
Nicole De Vera: yea.
Nicole De Vera: kasi pag may paniniwala na,bahala na silang gumawa ng sarili nilang rebolusyon.
Nicole De Vera: so mainly,i need writers.
Nicole De Vera: you,tete and me will suffice.
Nicole De Vera:
jescia: yaaaay.isolovethis.

pinutol ko na,ang haba e.:))

Thursday, September 6, 2007

emooo.:))

nakita kitang masaya,
at
hindi ako ang iyong kasama.

ang damdamin ko,sasabog na sana
at
ako'y magwawala.

gusto kong takbuhan ito
at
kalimutan ang nararamdaman para sayo.

tinanaw kita mula sa malayo
napuwing ang mata ko
at
dumugo.

tinawag kita
at
ika'y lumingon.
at
bumalik sa iyong ligaya

wala akong nagawa
at
nagbuntung-hininga.

Sunday, September 2, 2007

American Standard

maputi.
makinis.
makintab.
bago.

mahalaga.
malinis.
mabango.
pangmayaman.

at bagamat
kung kaninong
dumi
ang kanyang nilalamon,
di bale.

basta American Standard ang gamit mo.

ohmygosh.it's hayden!

hayden kho,jr. a towering 6'2 model turned doctor, and now also a singer. he's just so hot but so not single[his heart supposedly belongs to VICKY BELO.yea,the plastic surgeon who looks like she had one too many surgeries done on herself.buti sana kung magandang natural yung girlfriend e...KASO.haha].anyway.he's hot parin.had difficulty finding a good picture of him,though. go ahead.SWOON.

photo credit:: Celebrity Duets

Saturday, September 1, 2007

let's bulletize.

[isang reaksyon sa kambas ng lipunan.paumanhin pero wala akong oras na gumawa ng isang organized na post,so let's bulletize!haha.labo.]

nung pinanoond ko ito,:

  • naiyak ako.at natuwa ako at hindi pa ako desensitisado sa mga pangyayari.salamat panginoon at di pa[at sana hindi maging.]ako manhid.
  • naisip ko,hanggang panonood lang ba tayo?ansakit na nandito tayo,lalo na yung mga atenist diyan.MGA MAY PERA!at pinagsisgawan nyong men for others.HA!
  • naalala ko si gang--sabi nya,talo na tayo sa sistema ngayon.wala na tayong magagawa.kaya ang gawin nalang natin ay magsimulang bumuo ng bagong frame of mind para sa hinaharap,magbago na.
  • na-frustrate ako sa kawalan ko ng oras para sa kanila.pero alam ko sa puso kong maglalaan ako ng panahon balang araw.sana kayo rin.
  • napag-usapan ang mga kayang gawin ng mga manunulat at mga nag-uulat. sabi ni maki[hindi si maki ng t5;maki EIC ng matanglawin], kailangan tanggapin ng mga manunulat na hanggang sa pagsulat lang talaga ang magagawa namin[bilang manunulat,malamang.]ang magagawa lang namin ay magsulat. at umasang sa mga isinusulat namin may mga nagbabasa at nauudyok ang mga damdaming gumalaw.sabi ko nga kay odi dati, iba ang touched sa moved. sige,maganda na matamaan ka.malaking bagay na yung natamaan ka at you were touched.pero ang tagal tagal na nating naaantig ng mga pangyayari, wala pa rin.siguro panahon nang gawan ng aksyon ang mga bagay-bagay...
  • nako-conscious ako kasi kalikod ko yung crushable but gay-ish person from guidon.[no,not the photo editor:D]
  • umuwi ako at nagsulat na naman ako nito,walang ayos..nakakainis.at lalong nakakainis e hanggang sulat lang ako,tulad ng dati..touched but not moved.
  • nasa astoria plaza kami at masarap naman ang pagkain:D
  • natuwa ako at di ako umalis ng matanglawin:D
  • iniisip ko ang mistulang milya-milyang listahan ng mga kailangan kong gawin.
  • ipinagdasal ko ang mga apostoles ni kristo sa larawan.

ayan.haha.sana pinanood niyo bago niyo binasa to:D

we're not heroes...but.

masaya lang ngayon.di ko alam kung dahil to sa kape o ano pero sobrang giddy ko ngayon...siguro dahil na rin sa ang saya ng araw.ang sarap na makasama mo yung mga taong kauri mo--manunulat. tapos,tapos. grabe.di ko maisulat dito kung gaano ako kasaya. nakapanood kami ng video..gawa ni joey velasco. yung video na sa kambas ng lipunan.hanapin nyo nalang.pero sobrang napangingilabot.pero di ako masaya dahil sa mga nandun sa vid.masaya ako kasi may mga taong may paki.parang yung drama ko noon na, "ilan sa mga taong ito ang may paki?ako lang ba ang meron[sorry ang conceited.pero what the hell.yung iba kasi nakikisakay lang e.]?" ay nawawala na pagkat sa wakas andiyan na sila.waaaaaaaaaaaaaaaaaah.masaya lang.

tapos may crushable pa sa guidon.hehe.

ops.at sa matanglawin.secret lang natin to.di naman niya siguro mababasa.hahaha