kahapon nagpunta kami nina jourdan at roxy sa the block upang manood ng horton. at napakasaya noon. dumaan kami sa toy kingdom pagkatapos dahil malamang, kasama namin ang isang diyes anyos na bata[jourdan] at fully booked pagkatapos. nauna akong pumunta doon sa fully booked at doon sa bahagi ng book store na puro katatawanan[humor], nakita ko ang isang libro--14,000 things to be happy about. at doon inilista ng manunulat mula ikaanim na taon at inaassume ko na asa mga kwarenta anyos na siya ang mga bagay na nagpapasiya sa kanya. sa mga oras na siya'y nalulungkot, tinitignan niya ang kanyang listahan. naisip kong gayahin ang kanyang ginawa at heto, ang una kong "kaligayahan" :)
ang pagluluto kasama ang mga kaibigan.
maski walang pera para sa mga gimik, magkayayaan lamang ang tropa sa bahay ng kung sino man e ayos na. kanina ay pumunta si goodyield, pierre, jourdan at roxy sa bahay at dito nagluto kami ng crepes. bumili kami sa hitop ng nutella, pancake mix at butter. ako ang nagmix, naglilipat sa cup at nagbubuhos sa pan noong batter, si roxy naman ang may hawak ng pan at siyanse, si pierre ang mahiwagang nakadskubre ng mahusay na paraan ng pagkalat ng batter gamit ang kutsara. sa kabilang dako, si goody at jourdan ang nag-aassemble mismo nung mga crepes. nutella+saging+...butter??? hahaha kalabuan ni goodyield. masaya kasi ewan,malabo kami.hahaha. kapagod pero masaya. :)
No comments:
Post a Comment