mayroong isang samahan ng mga taong nabiyayaan ng kakayanang magsulat at gumawa ng kwento. sa ilalim ng isang bubong sila nananahan at payapa naman ang kanilang buhay. payapa hanggang sa dumating ang mga uwak.
nagwawalis si simon nang una niyang mapansin ito. itim na lumilipad na bagay--tila isang papel na nilipad ng bintilador. may pagewang-gewang pa ang pagbaba nito patungo sa sahig.
kakaiba. iyon ang naisip niya. inilapag muna ni simon ang kanyang walis tingting
na binili niya sa baguio kasama ang kanyang mga kaklase sa unang bakasyon ng kanyang kolehiyo at saka lumapit sa kakaibang bagay. tumingala siya at nagtaka.
alam niyang galing iyon sa langit. tinitigang mabuti ni simon ang maitim na bagay at saka pinulot bago pa ito liparing muli ng hanging sa 'di malamang rason ay nakinita ni simon ay hihipan na.
ngunit hindi pala maaari. pagkat sa oras na dumampi ang kanyang mga daliri sa kakaibang bagay ay nadurog nalang ito. nadurog na parang
polvoron sa bibig ng batang naglalaro sa christmas party ng kanilang klase. ano ito? nagulantang si simon kaya tinawag niya si remy.
pakamut-kamot ng ulong lumabas si remy ng bahay. sa ngayon ay hindi nalang paisa-isa ang mga uwak. dumarami na sila, at tama pa rin si simon, mula pa rin sa kalangitan. kinabahan na ang dalawa.
baka katapusan na ng mundo. sabi ni simon.
baka naman may umakyat lang na demonyo mula sa impyerno. pano kung may pakpak din pala sila? ito ang mga pakpak nila! ang pilit ni remy.
inabot na ng buong hapon ang awayang ito.
kaya parang abo e dahil galing sila sa impyerno! payabang at tila nagmamarunong na sigaw na ng naiiritang si remy.
hindi. nauubos na ang mga puno, mga gusali...lahat ng bagay. di ba't sabi'y babalik tayong lahat sa abo?ano?ha?ano? sumbat ni simon.
habang patuloy ang pagtatalo ay pauwi naman na si dom. galing trabaho; pagod. inabutang nagtatalo ang dalawang kaibigan.
ano bang pinag-aawayan nila?
at saka ipinaliwanag ng dalawa ang nangyari. nakakunot ang noong nakinig si dom.
parang tanga lang. umakyat si dom sa kanilang bakod at niyaya ang dalawang kaibigan.
ayan o, si mang sonny. nagsusunog. anong katapusan ng mundo? anong demonyo?tinawanan lang ng dalawa.
hindi pwedeng ganun lang. masyadong simple. hindi kapana-panabik.
hindi na sila umakyat sa bakod. pinabayaan na lamang nila ang isa't isa sa kani-kanilang kwento. kuntento sa mga salitang pinagtahi-tahi upang maipaliwanag ang 'di kapali-paliwanag. hindi na sila nagtalo.
at hindi na natin malalaman kung aling kwento ang totoo, at kung ano nga ba ang ugat ng pagdating ng mga uwak.
**
random, sorry. did i just waste your time?hahaha well i'm pretty sure you have time to waste anyway, or your bored to death that's why you clicked my link. i'm sorry that what seemed like a getaway from boredom just bored you even more, but at least it took some of your not-so-precious time.
**
number 8
when i see people with such calm faces like they have no problems...like they're so happy. it makes me happy too.