isinusulat ko kasi sa danokbuk [isang kwaderno ng aking mga tula] iyong makapangyarihan at naisip ko, brutal ba ang aking pagkakasulat? hindi naman...at saka ko naalala ang isang tulang sinulat ko noong asa voices pa ako. mga baliw ata ang tema ng ilalabas naming isyu at ang isinulat ko ay isang taong baliw na hinuli at echebureche. basta ganun. may nabaril, may dugong kumalat sa puting straitjacket. kaso, dahil asa holy pa nga ako, NACENSOR ang tula ko.waha. ayos a. wala lang. random. masasabi ko palang kahit minsan sa buhay ko e nacensor na ang sinulat ko...pwede kong sabihin sa mga apo ko [kung magkakaroon, pero parang ayoko..anubeh lumalayo na naman ako sa usapan.] na subersibo ang isinulat ko kaya ako nacensor! MWAHAHAHHAHA joke lang. wala kasing magawa e...kausapin nyo kasi ako [desperado ang gaga :)) :| ]
Sunday, March 30, 2008
Thursday, March 27, 2008
before and after
______________________________________________________________________________
before and after
the me.
the train.
the door.
the guard and
the awkward smile on his face.
the time.
the noisy roommate.
the familiar place.
the food i bought.
the line that was too long.
the hot guy.
the sticky gum i stepped on.
the dog.
the stupid guy who bumped me.
the bomb.
the sound.
the mall.
the shudders from it all.
the run.
the what-ifs.
the might-have-beens.
the nothing.
the everything that seemed nothing.
the us.
before and after
______________________________________________________________________________
before and after
the me.
the train.
the door.
the guard and
the awkward smile on his face.
the time.
the noisy roommate.
the familiar place.
the food i bought.
the line that was too long.
the hot guy.
the sticky gum i stepped on.
the dog.
the stupid guy who bumped me.
the bomb.
the sound.
the mall.
the shudders from it all.
the run.
the what-ifs.
the might-have-beens.
the nothing.
the everything that seemed nothing.
the us.
Tuesday, March 25, 2008
seven (other) things
that you prolly don't know about me, since methinks i posted something like this before already.
1. addicted ako sa minesweeper :)
2. gago ako nung kindergarted :)
3. i have nine moles on my right arm.
4. guardian angel ko si angel gabriel :)
5. pinapapak ko ang peanut butter. :)
6. crush ko si carlo aquino noong bata, since noon may group sila nina john pratts at isa pang guy at since tatlo kaming magpipinsan, inassign na kami ng mga "crush". haha. since ako pinakabata, sakin natira ang..uhm...hahahaha
7. kaya ko yung salit-salit na pagtaas ng kilay. i can do five tongue tricks[amp!haha]. i can move my right ear ;)
haha.tagging everyone.
Monday, March 24, 2008
panaginip
dahil noong nagttest kami para sa math e halos bumaha na ng luha ko kahihikab, minabuti ko nang matulog hanggang alas tres pag-uwi, para bago mag-aral sa lit, may lakas ako. at sino namang niloko na alas tres ako gigising. syempre alas kwatro. hehe. eto ang napanaginipan ko...
napanaginipan ko muna ang R-46. sumasayaw si kat, andro at nicki na hindi naman dapat andun, pero sige...ituloy ang kwento. pagkatapos, may mga banig na nakakalat sa sahig at tila isinesenyas nila sa akin kung ano meron sa mga banig--"there's the code", may bumulong sa utak ko. o parang subtitle. basta alam kong andun ang code. kung anuman iyon, di ko na alam.
pagtalikod namin, andun ang kabilang group ng play. at gumagawa sila ng bagong play. pero di ko natapos, kasi kinailangan kong umalis ni ate. paglakad namin ni ate, may resort na sa labas. tapos may mamang nakahilata sa sahig, hinimatay/patay na. basta may umiiyak sa paligid niya ay pulang-pula na nga sa kaiiiyak. ayaw gumising nung nakahilata. "wala na.patay na iyan" ang bulong na naman ng mga tao. pero nagbulungan din kami ni ate. buhay pa yan. kita sa ayos ng paa niya. at sa pag-iwas nito sa tubig,dahil oo, dinala nila yung "bangkay" sa pool. at sa gitna ng pool ay nakagapos sa mga palapulsuhan[wrist] si rica peralejo. at dinaan ang bangkay sa ilalim niya at doon "nabuhay" o di na nagpanggap ang "bangkay". sa ilalim ni rica peralejo. sa gitna ng dalawa niyang hita. oo, andun lang ang mama sa pagitan ng dalawa niyang hita. hindi kasama sa panaginip ko ito, pero naisip ko lang ngayon...langit ba yun? HAHA sige...ituloy ang kwento.
umakyat kami ni ate sa isang hagdan. pagkatapos, sa taas ng hagdan ay bahay na pala ang naro'n! may sumalubong sami'n at sumigaw na tila may ibang kinakausap--ang may-ari ng bahay--"o andito na ang mga bisita mo". at ayun, dun muna kami namalagi. biglang nagtext si cha, nagpapaload dahil di raw niya mapapanood yung kapatid niyang mag-au-audition, echebureche at marami pang drama pero di ko niload-an, wala si ina e. nagtext din ang isang english blockmate at "binulong" na naman sa'kin na may masamang nangyari sa kanya. kung sino siya, sa kanya ko nalang sasabihin. labo. naalala ko lang, na andun din pala si knight, [na nagtatanong tungkol sa lambot ng lupa sa isang lote at mga bahagi ng bahay lalo na ang kusina (na ngayon ko lang naisip, e inulat pala nila sa fil ang mga bahay-pilipino!haha) ] si rinel, at dalawa pang tao--isa doon e gwapo. hehe. wala, nag-uusap lang sila. extra ako, tanging babae. ayun.
di ko alam kung pa'no ako napunta sa isang building--chem building ata pero hindi mukhang schmitt e. basta yon, tapos may reporting. tapos andun si gian at kevin chan at nagereport sila ng isang mahirap na topic sa chem. parang may pinapaimbento sa kanila, pero makina. labo nga e. kasi mga malalaking gears talaga hawak nila. haha. tapos, dismissal na, iwan sina gian at groupmates sa room dahil di raw sila paaalisin hangga't di nagagawa yon. tapos, nagsimula ako ng isang usapan kasama yung prof.
koko:mahirap po yung ginagawa nila,no?
prof:oo.
*awkward silence...*
prof: sabihin mo sa'kin, anong mga trapos mo?
koko:po?trapos?what do you mean?
*at bigla namang may "bumulong" sa'kin na ang tinutukoy niya ay mga prinsipyo ko.*
koko: are you asking me about my principles on life?
prof: yes.
koko: well, ang prinsipyo ko lang ay mabuhay to change something--someone. at buong buhay ko, iyon lang ang pagtatrabahuan ko.
prof: ....
at umabot na kami sa dulo ng hagdan at may isang kwarto--prayer room ata--pero wala yung pari. tumalikod ako at kumuha ng panali sa isang sulok ng gusali.
may karugtong pa pero di na mahalaga, maski alam kong alinman sa mga sinabi ko e wala naman ding halaga. haha. pero mas walang halaga[?] iyon. at mag-aaral na ako ng lit e. yung math finals sobrang okay na nang maalala kong...di pala ako naglagay ng "plus C" sa tanging dalawang items na may indefinite integration. tsk. anyway. laking pasasalamat parin sa Maykapal :)
Friday, March 21, 2008
inspiration
wag mo naman akong takbuhan. wag mo kong iwasan. kailangan kita. kailangan kitaaaaa.
labo amp. :| kasi naman eeeeh. wala akong masulat for lit. T_T
Tuesday, March 11, 2008
don't ask me
....it took maybe 3 minutes before i actually pressed the save&publish button.
i'm thinking if this is all i want to say.
i'm not sure.
okay maybe not.
but this is all i can say.
*press*
Friday, March 7, 2008
makapangyarihan
hawak mo ang baril,at ako ang panulat. habang dahan-dahan mong pinitik ang gatilyo ay dahan-dahan ko ring idinikit ang dulo ng aking panulat sa napakabanal na kaputiaan ng aking papel. gumugulong ang aking panulat sa malapad na kawalan habang naglalakbay ang iyong bala sa hangin. lumilipad ang iyo at bumabalumbon ang akin. at habang kumakalat ang lagim ng dugo ng iyong biktima ay gumapang ang tinta ng aking panulat sa mga hiblang inihabi ng panahon sa aking papel.
*
**
***
****
*****
feels good to write a new poem:)
Tuesday, March 4, 2008
dahil.
1.trulalu
2.eklavu
3.trulalu
4.trulalu
5.eklavu
6.trulalu
7.eklavu
8.eklavu
9.eklavu
10.trulalu
--batang bading na sumasagot ng true or false test.
hahahahahhahahaha patok sakin.
Sunday, March 2, 2008
My Heart Will Go On. :|
1. Put your music player on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. You must write that song name down no matter how silly it sounds!
1. If someone says "Is this okay?" you say?
Every little thing he does is magic ng MYMP
2. What would best describe your personality?
Peek-a-boo ng Earth, Wind and Fire [WHOT?]
3. What do you like in a guy/girl?
Panalangin by Moonstar 88
4. How do you feel today?
Till There Was You by The Beatles :)
5. What is your life's purpose?
Nasaan Ka? by Pupil [ano raw?]
6. What is your motto?
Dianetic by Pupil
Saan pa man naroroon
Pangalan mo ang binubulong
Ikaw pa rin ang hinahanap ko
7. What do your friends think of you?
Tear Drop by Massive Attack [the House, M.D. theme. ]
8. What do you think of your parents?
San Man Patungo ng Parokya ni Edgar
9. What do you think about very often?
Huwag mo nang Itanong ng Eraserheads :)
10. What do you think of your best friend?
Bogchi Hokbu ng Eraserheads :)
11. What do you think of the person you like?
This Guy's in Love with You, Pare ng Parokya ni Edgar
di na friends ang tingin nya sakin... [ESTE ang tingin ko sa kanya.waha. sakto.]
12. What do you think when you see the person you like?
Ligaya ng Eraserheads :)
13. What do your parents think of you?
Nakapagtataka ng MYMP
14. What will you dance to at your wedding?
Maling Akala ng Brownman Revival [anong ibig sabhin nito? :-O]
15. What will they play at your funeral?
Eternal Flame ng MYMP [??]
16. What is your favorite hobby/interest?
Yesterday by The Beatles
17. What is your biggest fear?
Trip to Jerusalem ng Eraserheads :)
18. What is your biggest secret?
Kalawakan ng Pupil [wow big nga.]
19. What song will be the title when you repost this?
My Heart will Go On by Kenny G [ay pucha. hahahahaha]