comment ko dun sa "pano naman kami" post.::
ang weird,di lumabas sa message board ko yung mga reply niyo.nagulat ako.haha.nakakatuwa na nalulungkot tayo..[gets nyo ba?haha]nakakatuwa na concerned tayo.ayan.pero ang sakit na hanggang concern nga lang talaga.kailan ako makakagawa ng aksyon?kailan tayo makakagawa ng aksyon?at ang nakakaasar pa...andami kong ginagawa na naisasantabi nanaman ang mga mas mahahalagang mga bagay.minsan iniisip ko kung may lakas bakong iwan ang lahat para lang mag-cause ng change.siguro magiging isang imaheng hahangaan nalang iyon para sakin--isang idolo,at hindi ko alam kung makikilala ko siya at makakasama...
**i never intended to write such a sad poem.dapat nga parang mockery sa mga nangyayari.pero ayan.siguro dahil sa ulan.hahahha.
**i never intended to write such a sad poem.dapat nga parang mockery sa mga nangyayari.pero ayan.siguro dahil sa ulan.hahahha.
diyan ko nasabi kung anong nararamdaman ko nitong nakaraang mga araw. pakiramdam ko kasi nalalayo na ako sa mga gusto kong gawin. ang tagal na nung huli kong isipin kung ano ang gusto ko talagang gawin.sinubukan ko kagabi,pero masyadong malakas ang buhos ng ulan para marinig ko ang sinasabi ng aking puso.hindi yan figurative.di ko talaga marinig ang gusto kong sabihin sa sarili ko kasi nawawala ako sa konsentrasyon. naaasar ako kasi parang araw-araw nauubusan ako ng oras. nakaka-depress para sa isang dreamer.kung di mo maintindihan,di ka nangangarap,di ka dreamer[you're not one of us!haha.joke], wala kang pangarap!hahaha.so subukan mong mangarap.tas tsaka mo to basahin...
ayun.ang sakit lang sa puso.yung sakit sa puso pag naririnig ko yung "100 years" ng five for fighting. sobrang nakakatakot kasi na wala akong ma-accomplish sa buhay nato. ayoko naman ng ganun kasi kung ganun e di sagasaan niyo na ako ngayon palang.tas nabasa ko pa kung ano yung mga nagawa na ni gang badoy ng rock ed[baka magsulat ako ng artik about her for mlawin] at naiiinggit ako.sobra.
naiiinggit ako na wala akong magawa...
naiiinggit ako kasi sinasayang ko ang oras ko...
tulungan niyo akong ibalik ang alab ng aking puso...
[okay that was too dramatic]
pero seryoso.
No comments:
Post a Comment