"itapon na ang takure,kung gayon!"
yan ang sigaw at mungkahi ko.
pambihira namang
ilang lolo na ang dumaan,
ilang bagyo, ilang digmaan
pero talagang kinakapitan
ang takure ng aming angkan.
nanlilimahid na sa kalawang
at hindi na makasigaw
ang takure ng aming angkan.
anumang init at kulo ng tubig sa loob
sasabog na ang takure,
di pa namin napapansin.
bakit di pa kasi palitan
ang matandang pinagkukuluan.
pakiramdam ko ako si [PLEASE TELL ME KUNG SINO BIDA NG TIME QUEST]
sa Time Quest na paborito kong panoorin
tuwing hapon galing sa 'skwela
kapag ayoko tumiklop sa siesta
sa tuwing madaplisan man lang ako
ng takure ng aking lolo.
anong hiwaga,anong lalim
ang inibibigay nito sa akin?
mukhang wala, mukhang wala
pagkat di na nga magamit nang tama
ang takure ng angkan namin.
itapon na, ibaon na.
anupang gamit ng takure
kung hindi naman ito pumipito
sa tuwing kukulo
ang laman nito?
anong gamit ng tao
kung hindi nya ipinagsisigawan
ang init ng ulo, ang kulo ng dugo?
itapon na ang takure,kung gayon.
************************************************************************************************************
naasar kasi ako kasi naglalakad ako sa kalye,tapos may nagbukas ng gate.tas may binatong something.kung minalas-malas ako e natamaan ako ng bagay na yun na MUKHANG DIAPER NG BATA.bad trip.kumulo ang dugo ko,pero wala akong nagawa.
No comments:
Post a Comment