Friday, August 10, 2007

pasyon ni kristo

sobrang saya bago yung play kasi nakita ko si patice at APA.grabe nakakamiss tuloy ang holy.:( sobrang namiss ko sila at ang iba pang tao,kahit na ipinagkalat ni patice ang bagay na hindi naman na totoo para sa ngayon.ahahaha.

***************************************************************************************************************

sa totoo lang,sobrang nakakabagot yung dula. sabi ko nga kay patty, walang katas ng buhay ang maiiinom mo mula rito.or walang bago,that is. pero kung hahanapan ko ng magandang masasabi tungkol dun sa dula[parang napipilitan pa e,no?]maliban sa mga masasayang kasama kong nanood at naglalakihang biceps ni romnick sarmienta,masasabing kakaiba yung dula sa iba pang "pasyon ni kristo". sa katunayan ay parang malabo ngang matawag syang pasyon kung sa literal na kahulugan ka tututok kasi mas binigyang-pansin yung buhay nya mismo at hindi yung mismong kalbaryo paakyat ng bundok.

nakakagulat din ang kakaibang pagpresenta ng maraming mga tauhan,actually dalawa.haha.una si poncio pilato na madalas ipakita bilang isang walang paki,o minsan pa nga'y mabait na namumuno. pero dito parang sya talaga ang naging kontrabida.

isa pang nakakagulat na pagtatanghal ng tauhan ay ang kay judas iscariot. hindi ko alam kung totoong nangyaring ipinahiya ni Kristo si hudas dahil sa ointment ni maria magdalena. kung totoo yun,nakakahiya akong kristiyano na hindi ko alam na meron pala nun. sakaling hindi naman yun nangyari at bahagi lamang ng paraan ng pagtatanghal, nagtagumpay sila sa paglalagay kay hudas sa ibang anggulo. bagamat isang napakababaw na dahilan iyon para kay hudas, nagiging less stupid[di ko malagay sa salita] ang akto ni hudas kung may rason sya,kaysa wala.

sa mas mababaw na obserbasyon, nakita ko rin ang kakaibang pagkakaugnay ng mga animistikong mga lipunan sa kristiyanismo sa pagitan ng dulang ito. sa simpleng paggamit ng mga damit ng mga katutubo ng ating bansa, naidurugtong ng utak ko[di ko alam kung sadya ba yun,o ako lang talaga] ang kabalintunaan ng paglalahad ng kwento ni Kristo sa isang set na madaling maiugnay sa mga naniniwala sa mga anito.

************************************************************************************************************

ayan.para may guide lang ako para sa reaksyon na gagawin para sa dula. anyway,mag-aaral pako para sa unang mahabang pagsusulit sa filipino. pagtutuunan talaga ng pansin ito dahil nararamdaman kong duguan ang exam. muli,hinihingi ko ang inyong mga dasal,di lamang para sa pagsusulit na ito kundi pati narin sa mga tula ko.hindi pa rin sila[heights] nagttext.:(

No comments: