disclaimer[diskleymer?]::sinubukan kong isulat ang talang ito sa ingles ngunit nakita ko ang sarili kong naghahanap ng mga tamang salita upang mapukaw ang tunay kong damdamin. at tulad ng madalas na nangyayari, wala akong nagawa kundi isulat ito sa wikang pinakamalapit sa aking puso.
kaninang umaga nang aming idinaos ang huling flag ceremony ng buong mataas na paaralan ay nakita ko ang sarili kong buong pusong kumakanta,nangangako,ngadarasal. sa katotohanan, normal na ang ganoon sa akin. ilang estudyante ba ang naglalagay ng kanyang puso sa bawat salita ng panatang makabayan? ilan? basta sigurado ako may isa.ako.kapal.pero di nga.
balik tayo sa pinag-uusapan. iyon nga.habang sinasambit ang mga panata,parang may kumirot sa puso ko. nakita ko,ang daming mag-aaral ng holy. natanong ko nanaman,ilan nga ba ang totoong nangangako diyan?ilan?ilan.
naghahanap ako kanina ng mapaglalabasan ko nito kanina pero nawalan na'ko ng oras dahil sa mga kinailangan gawin.pero gusto ko na talaga umiyak. nakakadurog ng puso na sa maraming taong nakaharap sa'kin--estudyante man o guro--na kayang-kayang bilangin ng daliri ko sa kamay,swertehin na kung umabot sa paa, ang mga taong may puso para sa bayan. o kahit man lang respeto.wala lang.nalungkot lang talaga ako na ang daming pangako ng hinaharap,pero ilan lang ang matutupad?
ako,pangako ako.ikaw,pangako ka.pero,matutupad ba tayo?