wala namang kakaiba sa libing ng isang pangarap. itim pa rin naman ang madalas na kulay ng suot; may paminsang pag-usbong ng puti pero dilim ang talagang kulay ng araw na iyon.
wala namang mahalagang taong sumusulpot sa libing ng isang pangarap. tanging ang may-ari at ang ilang mga alaalang kasama ng pangarap.
hindi naisusulat sa pahayagan ang isang libing ng pangarap kaya naman walang mga reporter, walng maiiingay at walang mga ilaw mula sa gahiganteng camera.
walang araw sa tuwing inililibing ang pangarap. kaya naman sa libing ng isang pangarap ay mayroong lamig: lamig na maski ang init ng luha sa pagdampi nito sa mukha ay hindi madarama; lamig na maski ang panahon ay titigil sa pagtakbo; lamig na magdadala ng iba pang kamatayan.
wala namang kakaiba sa libing ng isang pangarap. walang bago. walang kahit ano. at higit sa lahat walang mga salita na makahuhuli sa tunay na emosyon, kulay, init o lamig, tunog, amoy at kung ano pa sa libing ng isang pangarap.
*************************************************************************************************************
matagal ko nang gustong isulat to pero walang oras. tapos nabigyan kami ng pagkakataon sa fil12 na magsulat ng kahit ano. yey sir nori. finally naipost ko na :)) sorry kung abrupt yung dulo. i know i wrote a better ending for this only we had to fill up the whole inter pad till the back part so nung "natapos" ko na sya sa unang beses na pagsusulat, kinailangan kong i-correction tape yung original ending at habaan sya. sana magustuhan nyo. sa mga dreamers out there, alam ko kung ano ang pakiramdam ng mamamatayan-na-ako-ng-pangarap moment. haha. kaya ko ito naisulat.
Thursday, December 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment