[isang reaksyon sa kambas ng lipunan.paumanhin pero wala akong oras na gumawa ng isang organized na post,so let's bulletize!haha.labo.]
nung pinanoond ko ito,:
- naiyak ako.at natuwa ako at hindi pa ako desensitisado sa mga pangyayari.salamat panginoon at di pa[at sana hindi maging.]ako manhid.
- naisip ko,hanggang panonood lang ba tayo?ansakit na nandito tayo,lalo na yung mga atenist diyan.MGA MAY PERA!at pinagsisgawan nyong men for others.HA!
- naalala ko si gang--sabi nya,talo na tayo sa sistema ngayon.wala na tayong magagawa.kaya ang gawin nalang natin ay magsimulang bumuo ng bagong frame of mind para sa hinaharap,magbago na.
- na-frustrate ako sa kawalan ko ng oras para sa kanila.pero alam ko sa puso kong maglalaan ako ng panahon balang araw.sana kayo rin.
- napag-usapan ang mga kayang gawin ng mga manunulat at mga nag-uulat. sabi ni maki[hindi si maki ng t5;maki EIC ng matanglawin], kailangan tanggapin ng mga manunulat na hanggang sa pagsulat lang talaga ang magagawa namin[bilang manunulat,malamang.]ang magagawa lang namin ay magsulat. at umasang sa mga isinusulat namin may mga nagbabasa at nauudyok ang mga damdaming gumalaw.sabi ko nga kay odi dati, iba ang touched sa moved. sige,maganda na matamaan ka.malaking bagay na yung natamaan ka at you were touched.pero ang tagal tagal na nating naaantig ng mga pangyayari, wala pa rin.siguro panahon nang gawan ng aksyon ang mga bagay-bagay...
- nako-conscious ako kasi kalikod ko yung crushable but gay-ish person from guidon.[no,not the photo editor:D]
- umuwi ako at nagsulat na naman ako nito,walang ayos..nakakainis.at lalong nakakainis e hanggang sulat lang ako,tulad ng dati..touched but not moved.
- nasa astoria plaza kami at masarap naman ang pagkain:D
- natuwa ako at di ako umalis ng matanglawin:D
- iniisip ko ang mistulang milya-milyang listahan ng mga kailangan kong gawin.
- ipinagdasal ko ang mga apostoles ni kristo sa larawan.
ayan.haha.sana pinanood niyo bago niyo binasa to:D
No comments:
Post a Comment