naranasan niyo na ba yung mga panahon na sakto, sapul at swak na swak ang mga pangyayari na ang gusto mo nalang ay maiyak dahil wala nang salita pang makapaglalahad ng pagiging tama ng mga pangyayari?ako,oo. at sa ngayon, may isang tao akong napakinggan. si gang. inggit ako sa kanya kasi siya narating niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. sa una, ang inggit na yun ay nagdulot ng matinding pagkadismaya sa aking sarili. ilang gabi rin akong nag-iisip kung anong gagawin ko kasi walang direksyon ang aking mga pangarap. kumbaga sa road trip e fully-loaded ang engine, mapa nalang ang kailangan. subalit sa di malamang kadahilanan, [at mabuti na lamang] naisalin ang tindi ng aking inggit patungo sa pagiging isang inspirasyon. dahil sa kanya, nakita kong pwede at kaya palang maabot ang mga pangarap. bagamat hindi pa ngayon, hahanapan ko, pangako, ng panahon ang mga iyon.
nakapanayam namin siya at naisin ko man na ikopya ang buong transcript ng panayam, mahaba. kalahati palang limang pahina na. so, eto nalang ang ilalagay ko.
Because I really believe that Philippine history is written by each personal life story. Philippine history is a combination of individual decisions, individual life stories. Di ikaw ang pag-asa ng bayan; ikaw ang bayan. Yung life story mo, yun ang kasaysayan nf Pilipinas. Now I don’t mean this in the publicity, history book sense a. I decided to make my life Phipilippine history and everyone should do the same. Make your life part of Philippine history. No,not part. Make your life Philippine history. Yun, so all the failures, all the bad decisions, all the nadapa ka sandali, all the picking-up and standing-up again, kasaysayan ng bayan.
hanep. yan. yan yun e. yan ang dapat gawin ng bawat pilipino. angkinin ang bayan. kung di mo to pagmamay-ari aba'y UMALIS KA NA RITO.DI NAMIN KAYO KAILANGAN. kung di rin lang para rito sa bayan na ito ang iyong ikinabubuhay e di lumipat ka na para sa ikabubuhay mo. saan?sa CANADA?SA AMERIKA? sige.lumayas kayo,mga walang kwenta. wag niyo kong hihiritan ng "para sa pamilya ko ito..mahirap ang buhay.." dahil ang kausap ko ngayon e yung mga kakilala ko at sa pagkakaalam ko wala namang lugmok sa kahirapan sa mga iyon. ang titinding humuthot ng pera sa mga magulang e. this is very unfair, i know. pero sorry a. yun lang talaga ang tingin ko. kung ayaw niyo ng mahirap na buhay e paghirapan natin ang buhay na yun. asuyin natin ang pilipinas. wag niyo naman ipasa nalang sa susunod na henerasyon dahil kahit kailan e di na yun titigil. ayaw mo bang mamatay nang may dignidad? pwes ako gusto ko. ang gulo gulo na nitong sinasabi ko. sinusulat ko lang ang mga 'to sa kung anong sumusulpot sa utak ko. tigilan na natin ang pag-iisip na maging pag-asa ng bayan.simulan na natin,ano ba. siguro ngayon wala tayong oras,maski ako wala dahil sa limpak limpak na homework at kung ano pero sana isama natin sa plano natin yung pilipinas. tara, kabataan. ubos na ang katawan ni rizal di pa rin nagkakatotoo yung sinabi nya.
*lahat ng maiiwan,itaas ang kamay.
No comments:
Post a Comment