dahil noong nagttest kami para sa math e halos bumaha na ng luha ko kahihikab, minabuti ko nang matulog hanggang alas tres pag-uwi, para bago mag-aral sa lit, may lakas ako. at sino namang niloko na alas tres ako gigising. syempre alas kwatro. hehe. eto ang napanaginipan ko...
napanaginipan ko muna ang R-46. sumasayaw si kat, andro at nicki na hindi naman dapat andun, pero sige...ituloy ang kwento. pagkatapos, may mga banig na nakakalat sa sahig at tila isinesenyas nila sa akin kung ano meron sa mga banig--"there's the code", may bumulong sa utak ko. o parang subtitle. basta alam kong andun ang code. kung anuman iyon, di ko na alam.
pagtalikod namin, andun ang kabilang group ng play. at gumagawa sila ng bagong play. pero di ko natapos, kasi kinailangan kong umalis ni ate. paglakad namin ni ate, may resort na sa labas. tapos may mamang nakahilata sa sahig, hinimatay/patay na. basta may umiiyak sa paligid niya ay pulang-pula na nga sa kaiiiyak. ayaw gumising nung nakahilata. "wala na.patay na iyan" ang bulong na naman ng mga tao. pero nagbulungan din kami ni ate. buhay pa yan. kita sa ayos ng paa niya. at sa pag-iwas nito sa tubig,dahil oo, dinala nila yung "bangkay" sa pool. at sa gitna ng pool ay nakagapos sa mga palapulsuhan[wrist] si rica peralejo. at dinaan ang bangkay sa ilalim niya at doon "nabuhay" o di na nagpanggap ang "bangkay". sa ilalim ni rica peralejo. sa gitna ng dalawa niyang hita. oo, andun lang ang mama sa pagitan ng dalawa niyang hita. hindi kasama sa panaginip ko ito, pero naisip ko lang ngayon...langit ba yun? HAHA sige...ituloy ang kwento.
umakyat kami ni ate sa isang hagdan. pagkatapos, sa taas ng hagdan ay bahay na pala ang naro'n! may sumalubong sami'n at sumigaw na tila may ibang kinakausap--ang may-ari ng bahay--"o andito na ang mga bisita mo". at ayun, dun muna kami namalagi. biglang nagtext si cha, nagpapaload dahil di raw niya mapapanood yung kapatid niyang mag-au-audition, echebureche at marami pang drama pero di ko niload-an, wala si ina e. nagtext din ang isang english blockmate at "binulong" na naman sa'kin na may masamang nangyari sa kanya. kung sino siya, sa kanya ko nalang sasabihin. labo. naalala ko lang, na andun din pala si knight, [na nagtatanong tungkol sa lambot ng lupa sa isang lote at mga bahagi ng bahay lalo na ang kusina (na ngayon ko lang naisip, e inulat pala nila sa fil ang mga bahay-pilipino!haha) ] si rinel, at dalawa pang tao--isa doon e gwapo. hehe. wala, nag-uusap lang sila. extra ako, tanging babae. ayun.
di ko alam kung pa'no ako napunta sa isang building--chem building ata pero hindi mukhang schmitt e. basta yon, tapos may reporting. tapos andun si gian at kevin chan at nagereport sila ng isang mahirap na topic sa chem. parang may pinapaimbento sa kanila, pero makina. labo nga e. kasi mga malalaking gears talaga hawak nila. haha. tapos, dismissal na, iwan sina gian at groupmates sa room dahil di raw sila paaalisin hangga't di nagagawa yon. tapos, nagsimula ako ng isang usapan kasama yung prof.
koko:mahirap po yung ginagawa nila,no?
prof:oo.
*awkward silence...*
prof: sabihin mo sa'kin, anong mga trapos mo?
koko:po?trapos?what do you mean?
*at bigla namang may "bumulong" sa'kin na ang tinutukoy niya ay mga prinsipyo ko.*
koko: are you asking me about my principles on life?
prof: yes.
koko: well, ang prinsipyo ko lang ay mabuhay to change something--someone. at buong buhay ko, iyon lang ang pagtatrabahuan ko.
prof: ....
at umabot na kami sa dulo ng hagdan at may isang kwarto--prayer room ata--pero wala yung pari. tumalikod ako at kumuha ng panali sa isang sulok ng gusali.
may karugtong pa pero di na mahalaga, maski alam kong alinman sa mga sinabi ko e wala naman ding halaga. haha. pero mas walang halaga[?] iyon. at mag-aaral na ako ng lit e. yung math finals sobrang okay na nang maalala kong...di pala ako naglagay ng "plus C" sa tanging dalawang items na may indefinite integration. tsk. anyway. laking pasasalamat parin sa Maykapal :)
No comments:
Post a Comment