Thursday, March 27, 2008

before and after

di naman bumukas ang mga pinto ng langit at ngumanga ang lupa pero nagkahimala kahapon--naglinis ako ng mga kalat ko.hahaha. sa mga papel na ginamit ko sa huling semestre ng aking unang taon ay halos magkandabali-bali na ang mga tuhod ko sa bigat nila [joke lang,pero ang dami talaga]. siyempre, kasama roon ang mga papel sa lit14. nahanap ko yung tulang the diameter of the bomb ni yehuda amichai na isinalin sa inggles nina chana block at stephen mitchell. nagustuhan ko talaga ang tulang iyon. napapanahon nang tinalakay namin ang nasabing tula 'pagkat katatapos lamang ng pagsabog sa glorietta. isang mahalagang pangyayari iyon para sa aming guro na si ma'am uychoco dahil ang asawa niya [ata] ay naroon nang nangyari iyon. sa kadahilanang ito, pinasulat kami ng isang tula [sa inggles,malamang] ukol sa alinman sa sumusunod:: mga nakaligtas, mga kamag-anak ng 'di nakaligtas, at syempre ang mga 'di nakaligtas. pinasulat kami ng tula ukol sa mga pangyayari ayon sa kanilang pananaw. pinili kong isulat ang nakita ng mga nakaligtas. at kagabi, sa aking paglilinis ng mga papel, sa likod ng kopya ko ng the diameter, nahanap ko ito:: before and after. at nangyari ang ikalawang himala--nagustuhan ko ang aking ginawa.
______________________________________________________________________________

before and after

the me.

the train.
the door.
the guard and
the awkward smile on his face.
the time.
the noisy roommate.
the familiar place.
the food i bought.
the line that was too long.
the hot guy.
the sticky gum i stepped on.
the dog.
the stupid guy who bumped me.

the bomb.

the sound.
the mall.
the shudders from it all.

the run.

the what-ifs.
the might-have-beens.

the nothing.

the everything that seemed nothing.

the us.

No comments: