Thursday, June 21, 2007

nasa'n ang mga tala?

**sa sobrang tindi ng aking nararamdaman tungkol sa mga bagay-bagay ay naudyok akong magsulat ng isang tula.

Nasa'n ang mga tala?

sa aking pag-uwi bitbit,

ang mabigat na bag sa balikat,

ang lahat ng lungkot sa puso.

sa aking pag-uwi tumingala,

ngunit ang langit ay madilim na,

wala ang mga bituin,

nasa'n ang mga tala--

ang mga talang aking tanging pag-asa,

aking tanging pinagsasabihan

ng mga kagustuha't kahilingan?

sa aking pag-uwi naisip

akong siyang may dahilan,

ako pa bang mawawalan?

akong may layon sa labang ito,

akong may puso sa bayan ko,

akong umaasa sa pagbabago,

mawawalan ng landas patungo rito?

sa aking pag-uwi nanghihina

ang tibay ng loob,

ang tingkad ng ngiti.

sa aking pag-uwi tinanong,

sapat ba ako?

kaya ko ba 'to?

ano bang ginagawa ko?

sa aking pag-uwi nagdasal,

na muli kong mamalas,

masilip ang mga tala

at humiling

at umasa

at mapagbigyan na

sa susunod na pag-uwi,

akin nang makikita

ang liwanag ng mga tala.

**the mock exam didn't make me wanna cry,actually. it made me cry.really. it did.

No comments: