Wednesday, January 28, 2009

Lupang Hinarang

*Bago ako manood, nagmumura ako dahil pinagbayad kami (at wala na talaga akong pera) at pinagagawa pa kami ng papel at paniniwala kong hindi ko naman talaga kailangan magmake-up. Pagkatapos ng dokyu, nagmumura pa rin ako.

Sa unang tingin tinalakay ng dokyu na Lupang Hinarang ang pakikipagsapalaran ng labinwalong magsasaka at ang kanilang pakikipaglaban sa kanilang lupa sa Negros. Oo, nabasa mo nang tama; kanila ang lupa. Ilang punto na ipinaliwanag sa dokyu (at ilang artikulo na binasa ko):
  • 1996 nang igawad sa humigit-kumulang 120 magsasaka ang bahagi ng lupa sa Hacienda Velez-Malaga. Ang nasabing lupa ay pagmamay-ari ni Roberto Cuenca. Sumasailalim sa polisiyang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program ang nasabing paghahati-hati ng mga magsasaka sa lupa.
  • Tinatantiyang ang mapupuntang lupa sa mga magsasaka ay 0.97 na hektarya--isang halagang masasabing kulang pa rin, sa kaalamang marami sa mga pamilyang ito ay may maraming tiyan na pupunuin.
  • Ilang taon na makalipas ang paggawad ng lupa sa mga magsasaka ay hindi pa rin sila nakakapagbungkal o makapagtayo man lamang ng titirhan sa sarili nilang lupa 'pagkat may mga pasikut-sikot sa batas na ginawa ang dating may-ari na si Cuenca upang magkaroon pa rin siya ng kontrol sa lupa. Ang kontrol na ito ay makikita sa mga armadong mga lalaking nagbabantay sa paligid ng nasabing lupain. Ang mga armas na ipinakita ay hindi lamang iyong mga handgun. Mahahabang mga baril na talaga namang mangangatog ka kung tutukan man lang.
  • Dahil sa naunang punto, minabuti ng ilang magsasaka na magpunta sa Maynila at maghunger strike sa harap ng Department of Agricultural Reform o DAR. Karamihan sa mga naghunger strike ay matatanda na't mukhang nanghihina na sa simula pa lang. Sa kanilang hunger strike ay hindi sila kumain nang kahit ano at uminom lamang sila ng tubig na may asin. Tumagal ang kanilang hunger strike nang dalawampu't siyam na araw. Marami sa kanila ay kinailangang dalhin sa ospital, ngunit pagkatapos mabigyan ng pangunang lunas sa ospital ay balik pa rin sila sa kanilang sakripisyo't pagpapahayag ng kanilang mensahe.
  • Pagkatapos ng halos isang buwan ay napagbigyan din ang mga magsasaka. Sinamahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa lupa, kasama ang humigit-kumulang 200 na sundalo upang sila'y i-install o para sabihing kanila na talaga iyong lupa. Masaya na sana ang katapusan ng ating kwento, kung hindi lang dalawang buwan matapos ang kanilang installation, binaril ng mga armadong lalaki ang dalawa sa mga nag-hunger strike na magsasaka. Ang pinaghirapan nina Alejandro Garcesa (70) and Ely Tupas (52), ay nasayang lang ata.
Wala na atang mas sasakit pa sa dinanas ng mga magsasaka ng Velez-Malaga. Nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran sa pagkamatay ng isang kasamahan, at natapos din sa isa pang kamukhang pangyayari. Sa panonood ng nasabing dokyu hindi ko na talaga mapigilang magmura--una dahil hindi ko matanggap na matatanda na ang gagawa ng nasabing hunger strike. Pangalawa dahil umabot pa ng 29 days ang pagpapakagutom ng mga magsasaka. Kung 'di ka ba naman isa't kalahating walang kaluluwa na panoorin lang ang mga taong mamuhay (o mas angkop atang sabihing magpakamatay) sa loob ng isang araw e paaabutin mo pa ba nang ganoon katagal? Pangatlo ay ang tila pagtatraydor na ginawa sa mga magsasaka.

Pagkatapos manood parang ang sakit ding isiping pagmumura na lang ang magagawa ko sa'king upuan. Hanggang galit na lamang ba ang magagawa nating lahat sa bulok na sistemang umiiral sa lipunan? Sila mismong mga may hawak na sa pag-asa, hinahablutan pa't nilalapastangan, paano pa tayong mga humahabol pa lang at umaasang makahuhuli rin ng nasabing pag-asa? Hindi naman sa pagiging pesimistiko, pero ika nga ng kanta,

Hanggang dito na lang ba ang tao?

Sunday, January 25, 2009

Heto.

Sabi nila,
kapag ika'y nakipagkamay
gamit ang iyong kanan,
ay ibinababa mo ang iyong sable--
isang paniniguro sa iyong kakamayan:

Hindi kita sasaktan.

Muling sabi nila,
kapag ika'y makikipagkamay
gamitin ang iyong kaliwa,
upang ibaba ang iyong panangga--
isang pagpapahiwatig sa iyong kasamahan:

Pinagkakatiwalaan kita.

At mas malapit, ika nga,
sa puso ang kaliwa.

Pero hindi ba't mas magandang
ibigay ang parehong kamay,
tanggalin ang armas at ipakita ang kahinaan;

Hayaang ang sinag ng araw ay
tumambad sa mga mata--
at wala na'ng kasiguruhan sa kinatatayuan mo

Maliban na lamang
sa naglalagos na ilaw sa iyong mga talukap,
ang init ng araw sa iyong balat,
ang hampas ng damo't hangin sa iyong binti--

at ang mga kamay na iyong hawak,
nang walang pag-aatubili.

*

Para sa'yo.

Saturday, January 24, 2009

Gate C22

Asa Fullybooked kami kanina at dinedepress ang sarili sa kawalan namin ng pera. Nakita ko ang isang koleksyon ng mga tula, Ten Poems to Change Your Life Over and Over Again, at ito ang aking nakita. Gagawan kita ng tula. For now, ito muna. (Dahil nagkacram ako ng CV for JTA haha)


Gate C22
by Ellen Bass

At gate C22 in the Portland airport
a man in a broad-band leather hat kissed
a woman arriving from Orange County.
They kissed and kissed and kissed. Long after
the other passengers clicked the handles of their carry-ons
and wheeled briskly toward short-term parking,
the couple stood there, arms wrapped around each other
like he'd just staggered off the boat at Ellis Island,
like she'd been released at last from ICU, snapped
out of a coma, survived bone cancer, made it down
from Annapurna in only the clothes she was wearing.

Neither of them was young. His beard was gray.
She carried a few extra pounds you could imagine
her saying she had to lose. But they kissed lavish
kisses like the ocean in the early morning,
the way it gathers and swells, sucking
each rock under, swallowing it
again and again. We were all watching--
passengers waiting for the delayed flight
to San Jose, the stewardesses, the pilots,
the aproned woman icing Cinnabons, the man selling
sunglasses. We couldn't look away. We could
taste the kisses crushed in our mouths.

But the best part was his face. When he drew back
and looked at her, his smile soft with wonder, almost
as though he were a mother still open from giving birth,
as your mother must have looked at you, no matter
what happened after--if she beat you or left you or
you're lonely now--you once lay there, the vernix
not yet wiped off, and someone gazed at you
as if you were the first sunrise seen from the Earth.
The whole wing of the airport hushed,
all of us trying to slip into that woman's middle-aged body,
her plaid Bermuda shorts, sleeveless blouse, glasses,
little gold hoop earrings, tilting our heads up.

Of wet beds, roaches and professions of love

Most painful memory--hiningi sa'min para sa Psych. Para malaman kung alin ang pinakamasakit kinailangan kong maghanap ng yardstick. Ano nga ba ang basehan ko ng pagkamasakit ng isang bagay. At naisip ko, malamang sa iyak ko na iyon makikita. Kaya naman inalala ko kung gaano kabasa ang unan ko at kamaga ang mata ko para malaman kung alin ang pinakamasakit na alaala.

At naalala ko, may panahong basa ang kama ko na para bang umihi na'ko sa kama, at namaga ang mata ko na para na'kong kinagat ng isang batalyong ipis. Joke lang.

Pagpasensyahan na ang pagbibiro, pero nahihirapan talaga akong magpinpoint ng isang alaalang masasabi kong pinakamasakit. Dahil sa Psych, may dalawa akong dahilang maimumungkahi.

Una, ang pagkaiyakin ko. Madalas akong tawaging ganito ng aming pamilya, dahil oo nga naman iyakin ako. 'Pag 'di ko magawa ang isang bagay, iiyak ako. At alam naman nating marami akong bagay na hindi alam gawin. (Alas! I digress. Kung naalala, nabanggit kong isa lang ang alam kong gawin, at iyon ay ang mag-aral kaya naman nakakadepress lalo ang curriculum vitae ko para asa JTA.) Kung nakikita niyo ako bago matulog, malamang madedepress (Did you know that there isn't any Filipino word for depression? Goes to show how happy we are as a people. See? We learn a lot from our language. Let's advocate it. Woohoo!) kayo. Call it twisted or what, pero kapag 'di ako makatulog, umiiyak ako para mapagod at makatulog. Ganu'n ako katagal umiyak. At ang pagpapaliwanag ko rito ay inuulit-ulit ko kasi ang mga masasakit na bagay sa isip ko kaya naman iyak na naman ako nang iyak. Rehearsal of short-term memory, ika nga.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan. Ang pagkaiyakin ko ay isang hadlang sa pagtukoy ng pinakamasakit na alaala dahil lahat sila, para sa'kin ay masakit. Sa kung anong antas, hindi ko maalala at iyon naman ay pangalawa kong dahilan kung bakit 'di ko pa rin matukoy hanggang ngayon ang pinakamasakit kong alaala.

Disuse of long term memory. Dahil nga sa tinatawag akong iyakin ng karamihan sa malapit sa akin, pagkatapos kong ulit-uliting saktan ang sarili ko sa mga pangyayari ay mangingibabaw na ang rasyonal kong pag-iisip at sasabihing wala namang kwenta ang kung anumang pinag-iiyakan ko kanina. Kaya naman itinutulak ko palabas ng Koko's Memory ang mga iyon at voila! Wala na'kong alalahanin.

*
Ang isinulat ko sa itaas ay produkto ng aking pag-iisip sa kung ano talaga ang pinakamasakit na alaala ko. Kung kinakailangan kong magbigay talaga ng isang nasasalat na pagkakataon, masasabi kong iyon ay noong hindi ako kinakausap ng dalawa sa mga kaibigan ko--sabay pang nangyari ito. Masasabi kong ang dalawa kong kaibigang iyon ay sumisimbulo sa dalawang panig ng aking pagkatao (HINDI PO AKO ISANG CASE ng SPLIT PERSONALITY,thankyouverymuch.). Ang isa kong kaibigan ay siyang tinatakbuhan kapag may problema, ang isa nama'y kasama ko sa lahat ng mga panahong malakas ako--masaya, gago, at iba pa. Hindi ako kinausap ng aking soft-side friend dahil may ipinagtapat ako sa kanya na *ehem* alam na nating lahat kung ano. *wink, wink.* At ang tough-side friend, nakaaway ko dahil napahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Nanghina lang ako dahil noon ko napatunayang ang buhay ko, nakadepende sa mga kaibigan ko. Bati naman na kami ngayon, at ang ipinagtapat ko ay hindi na nag-aapply. ;) :)) :D

**Paper officially ends here.

Hi Ods. Hi Tets. hahahahahaha Lahat na ng sikreto ko naibubulgar ko na sa mundo. Ohwell. hahaha

Target time to finish paper: 0700 hours
Time now: 0702 hours

Not baaaad! Now, Eco.JTA CV will have to wait. Mangchicheat nalang ako, di ko alam anong ialalgay e :))

May magagawa ba'ko?

I'm up now.

I was jolted out of sleep by some unknown force, and I check my phone--it's 4.59 am. Oh great, I overslept again. Tinawagan naman ako ni Maki ng 10.19 pm para gumising, 'di ako nagising T_T Kaya naman tumayo ako agad, (okay, nagmura muna nang onti) kinuha ang charger ng laptop, chineck ang wifi at nagblog. Pagkatapos nito, gagawin ko na ang psych paper tapos tatapusin ang aral ng eco.

Sleep is like a gentle tyrant, ang sabi ng psych book. Man, mine's been bullying me these past few WEEKS. May magagawa ba'ko?

*

Karugtong ng huling sentence sa taas, naikwento uli ni itay kung ga'no ako ka-ewan nung bata. Oo na, ewan pa rin ako ngayon. Mga kwentong-bata::

Dad: Koko, umakyat ka na, matulog ka na! *pagalit, hanggang sa mga susunod na mga linya*
Koko: *umaakyat na*
Dad: Nagtoothbrush ka na ba?
Koko: Di pa po
Dad: Magtoothbrush ka muna. Halika bumaba ka rito.
Koko: Bukas nalang po...
Dad: Hindi. Bumaba ka rito.
Koko: May magagawa ba'ko... :o3

Hahahaha kupal. Eto pa.

Koko: Ma, nagugutom na'ko
Mom: *nagwawalis* Sandali, tapusin ko lang 'to
Koko: Ma, nagugutom na'ko.
Mom: Sandali lang. Tapusin ko lang 'to
Koko: Maaa, nagugutom na'ko.
Mom: *pagalit na*Sinabing sandali lang tatapusin lang 'to.
Koko: *paiyak na! :)) * Ba't ba ang supla-suplada mo?! Nagugutom na'ko!

Hahahaha sabaw. Okay, off to Psych paper.

P.S.

'Di ko pa rin nagagawa yung curriculum vitae para sa JTA :| Sobrang walang laman yun sa part ng college. >: Nakakadepress ang kawalan ko ng kwenta sa college.

Thursday, January 22, 2009

This is fiction.

As seen in the movies:

Running away in the rain
as the saline bites
the side of your lip

Being alone in the
dungeons
and echoes only you can hear

Seasons that change in the
blink
of an eye

A war waged the minute before,
all deaths and blood
forgotten the next

This is fiction,

supposedly.


Malinaw na

Kanina 'di ko alam kung anong gusto kong gawin...manood, matulog, o magsulat ng tungkol sa ANI school visit. Natataranta utak ko, at nanaig ang pagtulog. Isang oras lang--para makagawa ng mga para bukas. E kaso wala namang kailangan bukas. Sooooooo tulog uliiii :D :D :D :D


Mahal kita,
Pero miss na miss ko na

Ang aking kama
at ang malupit kong unan~


Ito lang ang nakayanan kong i-type. hahahaha