Sunday, December 7, 2008

Resistant to change

We moveid into the new house this morning, and I must say it's waay better when it's done na. Haha. Although I'll still be staying in project 4 today until Friday or Saturday because it's hell week for me. Or maybe that's just my lame ass excuse. If there's one thing I discovered about myself in this move to a new house, it'd be that I find it difficult to adapt to change.

On a lighter but sadder note, my room isn't the yellow that I want it to be. Guh.

Wala lang

Your Universe
ni Rico Blanco

Tell me something
When the rain falls on your face
How do you quickly replace
It with
A golden summer smile?

Tell me something
When i'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make
Everything alright?

Chorus:
I don't think that you even realize
The joy you make me feel when i'm inside
Your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one

Tell me something
When i'm 'bout to lose control
How do you patiently hold
My hand
And gently calm me down?

Tell me something
When you sing and when you laugh
Why do i always photograph
My heart
Flyin way above the clouds?

*

Bad vibes.. sana matapos na'tong linggong 'to.

Saturday, December 6, 2008

Ah.

Aah!

AAHHH!

Yun lang. hehe. Gusto kong gumawa ng wishlist pero walang oras. Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, sa susunod ng linggo pa ko makakapagpost nu'n. Sana may oras pa si Santa. hahaha. One hell week coming up!

Friday, December 5, 2008

Habang naghihintay

...mag-upload ng pictures from Angel's Apa's debut

Spheres of Influence (for lack of a better title or a fitting phrase in Filipino)

Ginusto kong tumakbo, abutin ang mga natatanaw ko at lampasan pa nga ang mga iyon. Ninais kong sumigaw, ipagkalat sa lahat ang aking pakay. Ngunit sa lawak ng lupain ay napagod din ako. Humulas ang aking pawis, at tumulo sa tigang na lupa. Sa sandaling inabot ng tubig-alat ang mga bitak-bitak na bato, ay tumubo ang isang halaman. Lumabas sa mga hiwa ang mga iyon at binalot ang aking mga paa.

Hindi na ako makatakbo.

Hindi ko na maipagsisigawan.

Umakyat ang mga ugat at hindi nagtagal, binalot na nito ang aking mga binti. Sa simula ako'y luntian hanggang nanuyo na ring paunti-unti ang mga kadena sa'king mga paa. Pinilit kong kumawala hanggang sa maubos ang aking lakas at sumuko na lamang.

Ngunit mabait ang tadhana.

'Pagkat ako'y tinubuan sa'king mga kamay ng pag-asa. Ako'y tinubuang muli ng luluntiang mga dahon. Binalot ng buhay ang aking katawan.

Ano'ng aking ginagawa? Ikinasasaya ang pagkabihag? Naalala ko ang mga lugar na ibig kong marating. Naisip ko ang mga tanawin, ang hanging humahalik sa'king pagtakbo. Binalot ng lugmo ang aking katawan.

Biglang umihip ang hangin. Hinagip ang aking dahon--ang aking pag-asa. Ngunit ano't ano pa, ginulat muli ako ng tadhana. Tinangay ng hangin ang aking dahon sa mga lugar na lampas sa'king tanaw. Dinala ito sa kanyang mga bisig at higit sa halik ang aking naranasan. Lumipad ito't hindi lamang ipinagsigawan ang nais ko. Hatid ng hangin ang aking dahon. Hatid ng hangin ang aking pag-asa. Hatid ng hangin ay ako.

*

Napanood niyo na ba ang Batang Kalakal ng Reporter's Notebook? Kung hindi pa, pakihanap. Mahalagang mapanood ng mamamayang Pilipino ito. Wala akong mahagilap na mga salita upang ipaliwanag ang aking naramdaman noong napanood ko iyon. Sabihin nalang nating,

nanginig ako sa kaiiyak dahil doon.

(...or maybe that's just me--iyakin. Pero di e.)

*

Totoo ba ang sinabi mo? Kung kakailanganing tapusin, tapusin na ngayon habang hindi pa malalim ang pagkakaugat.

Wednesday, December 3, 2008

Shalalala~

Masaya lang ako ngayon. Iyon lang naman :) Life will be stressful especially this coming week, but I am so fired-up for it.

Usapang tsinelas

Pangalan:Havaianas

Lugar na pinanggalingan:
São Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH- va- yaH-naZz!! (Filipino)


Materyal na ginamit:
Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo:
Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan


Mga nagsusuot:
Mga konyotik at mga mayaman.

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- 'Shock-absorbent '
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan...
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.


Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal!

_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __


Pangalan:
Spartan

Lugar na Pinanggalingan:
Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)


Materyal na ginamit:
Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo:
Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.


Mga nagsusuot:
Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay)...


Olats na mga katangian:

* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

***

Galing kay Jour Dan pero malamang 'di rin siya gumawa nito. Wala lang.

Tuesday, December 2, 2008

Teh