ginagawa ko lamang ito dahil wala na'kong maisip para sa theo.
Setyember 12, 2008
0524 HOURS
Tila nangiinsulto pang lalabas
at kukubli
lalabas
at
kukubli
Ang manipis na linyang naghihiwalay sa
kawalan
at
kabalbalan
Lalabas at kukubli pa rin ang linya
habang ako'y nakatanga
at bibilis
nang bibilis
na tila kumukurap na ang aking mga mata
Nang malaglag na ang ulo
at magising
Tatlong minutong nakalipas
at mang-iinsulto pa rin
ang linyang
lalabas
at
kukubli
Thursday, September 11, 2008
Nathan Files #3
Sobrang sabaw na namin ni Ate rito sa kwarto dahil ilang araw na kaming nakararanas ng hell, lalo na siya. Alam mo'ng sukdulan na ang stress (school-related) pag wala nang sense ang bawat pangungusap mo at naiirita ka na sa mere presence of someone inside the room. Kaya tuwing pumapasok sina Nathan at Niels sa kwarto, maski mauupo lang, pinaaalis namin. Buksan lang ang pinto ng kung sino, sisigaw na kami ng labas(maski si daddy na pala yun.).At ganu'n nga ang ginawa ni Ate kani-kanina lang.
Nagtatantrums na halos si Ate, kasama ang pagsipa at paggulo ng buhok.
Ate::Nathaaaaan. Umalis ka na nga, nasstress na nga ako eeeh!
Nathan::Ano ang stress?
Ahay. Just needed a break from Theo. Reached a page already,yey!

Tuesday, September 9, 2008
I am far from being reasonable.
Last night, I was crying like hell, cursing in every other sentence and ranting to all the people I talk to. What's worse is that I don't have any particular reason for feeling angsty. Hormones, maybe?
Tonight, or should I say, today, I'm super happy naman. When I'm happy I talk to nine people in YM. Hahaha. And I clap my hands out of nowhere. Haha. But still no reason behind this all. Haha. Anyway...
*
I wanna know you more. Will you allow me to?

Monday, September 8, 2008
Ako, ngayon, ito lang.
...naman ang gusto ko--
kapayapaan ng isipan,
maging mature na ako,
umupo sa gitna ng field mag-isa at sumigaw nang sumigaw nang sumigaw at manahimik nang manahimik nang manahimik
at kumain ng ice cream with someone.
:-<

Sunday, September 7, 2008
Ang pinakamagandang regalo
Kanina sa misa, mga seminarista ang nagsilbi kasama ng pari. At bago matapos ang misa, nagkaroon ng isang sharing mula sa isa sa mga seminarista ukol sa napili niyang bokasyon. Akala ko vocation sunday ngayon, hindi pala.
Anyway...
Sabi ni Jigs, ang namahagi ng kanyang karanasan, may isang saint daw na nagsabing ang pinakamagandang regalo sa magulang ay ang magkaroon ng anak na piniling maging pari o madre.
Sa tingin ko, hindi. Sa katunayan, masyadong specific at generalizing ang statement. Generalizing dahil hindi naman lahat ng magiging pari o madre ay makapagsisilbi nang maayos at mabuti. Specific dahil masyado namang nakatuon sa iisang bokasyon. Marami namang ibang bokasyon a..
Single-blessedness. (paborito ko kasi naaalala ko si Ms. Aniago :]])
Ang pinakapunto lang naman ay kung ano ang ipinagsilbi mo sa buhay mo. Kanina, sabi ko...magmamadre ba ako? Joking aside, naisip ko yun kanina. At hindi lang talaga siya para sa akin. Mas gusto kong pagsilbihan ang Diyos sa labas ng kung anong kongregasyon :D
Ang sabaw ng post. :)) Nabeat ko ang aking record sa expert minesweeper \:D/ 150seconds! woohoo. Long live the geekery.

Tuesday, September 2, 2008
Hi.
Ako si Koko.
Alam kong wala kang paki kung sino ako.
Kamukha ko lang ang lahat ng nakasalamuha mong nilalang noon.
Wala lang kakaiba.
Katulad ko rin sila.
Pero isa lang masasabi ko sayo.
Iba ako.
Mas takot pa ata ako sayo
Kaysa ikaw sa'kin.
So para di na tayo mahirapan
Baka pwedeng wag ka nang magpakita sa'kin.
Pwede naman tayong mamuhay sa sarili nating mundo
Nang hindi nagpapansinan,diba?
So kung pwede wag ka na magpakita sa'kin.
EVER.
*
para sa dagang pumasok sa loob ng kwarto ko.
TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Kasama ng mga dakila
Marami sa atin, mahaba ang listahan ng mga pangarap at hindi ko ihihiwalay ang sarili ko sa karamihang iyon. Nais kong magtayo ng isang paaralan, bahagyang maibsan ang kahirapan ng Pilipinas, matutong tumugtog ng cello, minsan pang magtanghal sa harap ng mga tao, makapagpalimbag ng libro, maging bilyonaryo, mamatay nang may kabuluhan at marami pang iba. Sabi sa inyo, mahaba e.
At pahahabain ko pa iyan sapagkat kamakailan lamang ay nakilala ko ang isang bagong pangarap.
Sa klase namin sa teyolohiya ay pinag-uusapan si Kristo at mayroong isang tanong doon na talaga namang natamaan ako.
Ika nito, (di ko mahanap yung mismong tanong nakakairita) mas gugustuhin ko raw bang mabuhay sa panahon ni Kristo. Sa pinakaunang pagkakataon sa buhay ko, ilang beses idiniin na minsan, naging tao si Kristo--mahahawakan, makakausap, makikita, nababasa, naiinitan, pinagpapawisan, at lahat-lahat ng kung anumang pinagdaraanan ko ngayon.
Habang iniisip ang mga ito, bigla na lamang dumating sa akin ang isang pakiramdam. Hindi ko maipaliliwanag nang husto, ngunit naimagine kong nakita ko si Kristo. Tipong kilala mo talaga siya ay tunay siya--laman at dugo. Isa lang masasabi ko sa inyo, sobrang sarap nung pakiramdam. Parang malamig na tubig na ibinuhos sa iyo kapag nanlalagkit ka na sa SecWalk. Ganu'n kasarap.
At bago pa lumayo ako nang sobra-sobra sa nais kong isulat, e ibalik na natin sa pakay talaga. Dahil nga sa naramdaman kong iyon, nainggit tuloy ako sa mga taong nakasama ang mga dakila. Isipin mo nalang, hindi mo lang binabasa ang kasaysayan...
kasama ka sa kasaysayan.
O kung hindi man, kasama mo ang kasaysayan. At hindi ba't parang ang sarap ng pakiramdam na iyon? Kaya noon ay nakilala ko ang bago kong pangarap at ito'y sana'y makasama ko ang isa sa mga dakila. Sana makasama ako sa o makasama ko ang kasaysayan.
Tipong, pwede kang mamatay nang masabi mong, "Nabuhay ako sa parehong panahon sa isang taong tunay na namuhay."
At wala na sigurong mas sasarap pa roon.
Or so I thought.
Hanggang sa napagtanto kong, mas masarap pala kung lahat ng kakilala mo ay dakila.
Lahat namuhay nang tunay.
Homo verus.
Lahat, kasama ang sarili ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)