Saturday, April 12, 2008

number 3

kapag tawa na kayo nang tawa na nagsisimula nang lumuha ang inyong mga mata at titigil kayo 'pagkat kawalang-kwentahan lang naman ang inyong pagtatawanan at dahil sa pilit na pagitigil ay nakakatawa ang mga mukha ninyo at tatawa kayo muli.

wala lang.tawa lang kami nang tawa kanina ni ate :) ikatlong kaligayahan.

*nakakatakot yung maligno na show. nakita ko yung commercial grabe. minsan na nga lang ako manood sa channel 2 ganun pa makikita ko o.O

Friday, April 11, 2008

kaligayahan 2

kagabi naisipan kong matulog nang maaga dahil napagod ako sa pagluluto namin ng crepes. pakiramdam ko nagbantay ako ng 2 at kalahating bata[goody at jourds,bata; pierre kalahati]. alas diyes pa lamang ay nakahiga na ako nakikinig sa aking palatunugan. nakapatay na ang ilaw at ako'y mag-isa sa kwarto nang biglang pumasok si nathan at

hinalikan ako sa ilong.

ito ang aking ikalawang kaligayahan--mga gawang 'di inaasahan. naitext ko kay quinito na ginawa nga ito ni nathan at tinanong niya kung may kasama ba raw na "i love you". ang sabi ko ay wala at sa tingin ko ay sapat na iyon :) ika nga sa pelikulang, "a lot like love", don't ruin it[the moment].

*kaya ako sa ilong hinalikan dahil ayokong hinahalikan nila ako sa labi.
*ang pangit ng binibigay kong titles sa mga post kong ito. pakiramdam ko tunog subject e...any suggestions?:)

kaligayahan 1

kahapon nagpunta kami nina jourdan at roxy sa the block upang manood ng horton. at napakasaya noon. dumaan kami sa toy kingdom pagkatapos dahil malamang, kasama namin ang isang diyes anyos na bata[jourdan] at fully booked pagkatapos. nauna akong pumunta doon sa fully booked at doon sa bahagi ng book store na puro katatawanan[humor], nakita ko ang isang libro--14,000 things to be happy about. at doon inilista ng manunulat mula ikaanim na taon at inaassume ko na asa mga kwarenta anyos na siya ang mga bagay na nagpapasiya sa kanya. sa mga oras na siya'y nalulungkot, tinitignan niya ang kanyang listahan. naisip kong gayahin ang kanyang ginawa at heto, ang una kong "kaligayahan" :)

ang pagluluto kasama ang mga kaibigan.

maski walang pera para sa mga gimik, magkayayaan lamang ang tropa sa bahay ng kung sino man e ayos na. kanina ay pumunta si goodyield, pierre, jourdan at roxy sa bahay at dito nagluto kami ng crepes. bumili kami sa hitop ng nutella, pancake mix at butter. ako ang nagmix, naglilipat sa cup at nagbubuhos sa pan noong batter, si roxy naman ang may hawak ng pan at siyanse, si pierre ang mahiwagang nakadskubre ng mahusay na paraan ng pagkalat ng batter gamit ang kutsara. sa kabilang dako, si goody at jourdan ang nag-aassemble mismo nung mga crepes. nutella+saging+...butter??? hahaha kalabuan ni goodyield. masaya kasi ewan,malabo kami.hahaha. kapagod pero masaya. :)

Wednesday, April 9, 2008

commercials

ang saya-saya ng ilang mga commercials.


unang-una iyong sa coke... ang galing talaga maski mababaw lang concept ang sarap nya panoorin. perfect casting, perfect shots, perfect effects. wooohooo. i always love what coke does for their ads :)

pangalawa e iyong sa mcdo. hahahahahah nakakatawa talaga e ang sabaw. "uy nakatuck-in [sic]! cheeseburger!cheeseburger!cheeseburger!" hahahahaha sorry sabaw.

pangatlo e iyong sa lucky me. ang catchy ng tune nila without being annoying. yey :D bakit daw parating kids ang target market nila? talaga bang mahilig ang kids sa mga instant noodles?parang...sila bossing at kuya oo e...

hahahahaha good job ad companies :D :D


okay kumpleto na grades namin at pwede bang magreklamo sa magulang na maging masaya naman sila. kahit konting "yey" man lang! hahaha. ang qpi bang 3.92 e di pa sapat? parang gusto kong ipaalam uli sa kanila na 4 ang pinakamataas. anubuzzzzzzzzz.[si ace ata una kong nabasang gumamit nito,anubuzz.hehe. natuwa lang ako.

Monday, April 7, 2008

leaving on a jet plane

kagabi habang nakikinig sa nasabing kanta naalala ko ang mga bagay na naisip ko sa aking pagkabata ukol sa kanta. pareho,ukol sa kalungkutang bumabalot sa kanta.

una dahil sa'king katangahan noong bata pa ako [di ko sinasabing ngayon e wise na ako]. akala ko she's living on a jet plane. akala ko titira sya dun. at malungkot dahil malayo sa mga bagay...at nakakatakot pa nga.pero tanga lang talaga.

yung isa, dahilan naman ng kakulangan sa kaalaman [di ko rin sinasabing ngayon e puno na 'ko nito]. akala ko ang jet plane=rocket ship. at dun na siya sa space...mag-isa...kasama ang mga bituin. wala lang. ang lungkot. basta ang lungkot ng kantang to. hanggang ngayon nalulungkot ako sa kanta. at malungkot din ako ngayon.

kasi ayokong malaman nya na gusto na ayaw na gusto na ayaw na gusto na ewan ko. :-<

Friday, April 4, 2008

:(

palagi nalang ba tayong ganito? di ba pwedeng mag-exert ka rin ng effot sa relasyong to? bakit parang puro ako? pareho tayong may responsibilities dito sa relasyon to diba? nung huling beses ako na naman ang naperwisyo.dehado. dahil ba may pagkukulang ako noon? ginagawa ko naman na ang lahat para mapunan yung pagkukulang na iyon a...bakit ganito? ha?bakit ganito, M.E. department? bakit?????

hahahaha panira ng araw e! :|

comma

You are open minded and extremely optimistic.
You enjoy almost all facets of life. You can find the good in almost anything.

You keep yourself busy with tons of friends, activities, and interests.
You find it hard to turn down an opportunity, even if you are pressed for time.

Your friends find you fascinating, charming, and easy to talk to.
(But with so many competing interests, you friends do feel like you hardly have time for them.)

You excel in: Inspiring people

You get along best with: The Question Mark

What Punctuation Mark are You? :)

__

yiii. grades are out. CH2,kamon release mo na. tulungan kitang magcheck ng papers,trip mo maam?hehe. salamat Lord! yer the best :)