Saturday, May 31, 2008

heto na.

second year na! haha lord sana po okay 'to :) kamusta naman ang tuluy-tuloy na MWF sched. kaya ba 'to? kakayanin! lalampasin at lalampasuhin! hoyea :) let's get it on, batchmates :)


Friday, May 30, 2008

nagkapatung-patong na mga pahayag

sa dinami-rami ng mga kailangang gawin noong summer term e nawalan na ako ng panahon magsulat dito. at dahil inudyukan ako kaninang magsulat muli rito, atin naman siyang pagbigyan at batiin. hello marvin. :)

nais kong simulan ang pagbawas-bawas sa mga naipon sa mga nangyari noong summer. unang beses kong matulog ng alas-singko nang umaga. masaya ako't nagbunga naman ang aming mga pinaghrapan--o mas angkop yatang sabihing pinaghirapan ni dyaime--sa itm. masaya rin naman ang mga naging resulta ng chinese at math; di ko pinagsisisihang kunin ang aking mga prof. patuloy pa rin ang aking swerte sa mga guro. ipinagdarasal kong hindi naman ito maubos.

gusto ko rin sanang samantalahin ang pagkakataong ito, bagamat huli na, ang magpasalamat sa lahat ng mga nakaalala sa aking kaarawan. salamat sa aking hs friends na nagbigay ng sangkatutak na lollipop, gummybears, notebook at isang birthday video. salamat sa aking college friends sa balloon at cake. sa mga iba pang nagregalo na 'di ko na iisa-isahin. sa mga tumawag[or sa tumawag,ehem.haha]. kay sir anton na nagbigay ng clue sa LT [haha. wag mag-alala,di ko rin naman nagamit yung clue niya :)) ]. sa lahat-lahat. masasabi kong masaya ang aking kaarawan ngayong taon dahil nariyan kayo, walang gaguhan 'to. :)

tinanong ako ni layos ano raw gusto kong regalo if ever tanungin ako ng someone kung anong ireregalo niya sa'kin, ano raw hihingin ko. at sa katotohanan ay wala akong maisip na material na bagay kundi pera. pero mas gusto ko talagang immaterial ngayon--maturity at stability. sige haluan mo na rin ng world peace.

sa ngayon e parang walang direksyong pinatutunguhan ang buhay ko. pagod, at gulong-gulo. di masasama sa next issue yung artik ko...baka sa next nalang daw. ang kaso, pa'no kung aalis na nga ako. hay. ang gulo talaga. sabi ni miss lagud noon...hindi raw lahat ng artik e pang-RockEd [yung artikulo ko na buong puso ginawa.] pero sana dumating naman ang panahong makasulat uli ako noon...nawawalan ako ng buhay...tulong!

at sa ngayon e bibigyan ko nalang ng ilang mga mensahe ang iba't ibang tao...di ko nalang sasabihin ko sino sila.

sana wag mali ang basa mo sa mga kilos ko. dahil hindi.

ikaw rin,wag kang ma-assume.

di ko talaga feel yung girl :(

sorry di ako madalas asa bahay.

nanggagago ka ba na naman? [asang mabasa mo 'to.]

hello :-B

ang cute mo *SHET* [haha roxy]

that's what i like[d] about you ;)

Tuesday, May 13, 2008

palindrome schmalindrome

i first met you nung anal. geom...probability. then i met you again nung si tete nagtanong about you. now i'm face to face with ye again, sa itm. but now it's not about probabiliteeeeeeeh :)) so, since palindrome problem nalang ang pasakit ngayon...maitype muna itong initext ko sa ilang mga tao kagabi...this is my daily prayer.

naniniwala ako na lahat ng tao may pangarap, may nais abutin. mangangahas akong sabihing hindi tao ang walang nais makamit. pero bahagi rin ng pagiging tao ang mawalan ng gana sa patutunguhan, maligaw ang puso ng daan. at iyon marahil ang kinaiba ng simpleng nangangarap lamang sa mga nasa tugatog at kapiling ang kanilang mga pangarap--ang tindi ng apoy na hanapin muli ang daan, ang lakas ng loob na harapin ang kawalan at ang pananalig na balang araw, hindi na iyon mga "pangarap lamang".

Lord, alam mo na. :)

Sunday, May 11, 2008

ambisyosa

Rules:
  1. You have to write your top ten aspirations/dreams/goal in life..
  2. anything..:D
  3. After writing those things you need to tag 10 persons who you think will enjoy doing this..
  4. You have to write rules for them to follow
  5. You have to tell them to read your blog and tell them they're tagged!
1. maging sobrang yaman na pwede na ko'ng bumili ng isang bansa. joke. haha

duke_dy (5/11/2008 2:08:28 PM): oh? wow ah! onga pala, bat ikaw di nag UP?
duke_dy (5/11/2008 2:08:41 PM): bagay sayo maging president ng pilipinas someday!
duke_dy (5/11/2008 2:08:59 PM): or....leader of the rebels na mag ooverthrow sa goverment and userp the throne
duke_dy (5/11/2008 2:09:18 PM): ok wrong spelling usurp....
duke_dy (5/11/2008 2:09:23 PM): im bad at spelling
Nicole De Vera (5/11/2008 2:09:34 PM): hahaha
Nicole De Vera (5/11/2008 2:09:42 PM): sabi ni jescia noon sabi ng dad ko
Nicole De Vera (5/11/2008 2:09:52 PM): ayaw niya kong mag-up dahil nga raw baka maging rebelde.
Nicole De Vera (5/11/2008 2:10:06 PM): kaya ako nag-ateneo kasi yung course ko dun,pangpayaman
duke_dy (5/11/2008 2:10:19 PM): hahaha
Nicole De Vera (5/11/2008 2:10:22 PM): at balak kong gawin e magpayaman para magawa gusto kong gawin
Nicole De Vera (5/11/2008 2:10:23 PM): gets?
duke_dy (5/11/2008 2:10:30 PM): bagay kang maging rebelde!
duke_dy (5/11/2008 2:10:36 PM): sira ka talaga!
Nicole De Vera (5/11/2008 2:10:43 PM): i don't trust being in the political system e. i prefer to be on the outside nalang
duke_dy (5/11/2008 2:10:43 PM): bilhin mo pilipinas!

2.
magtayo ng isang prestihiyosong paaralan.
3.makapagsulat ng mga libro.
4.minicooper.
5.magtayo ng sariling building..tipong condo..for the poor.
6.magkaron ng sariling condo unit. haha
7.maging mature.
8.magkaroon ng isang toy store, isang bookstore at isang ice cream parlor :)
9.have a personal stylist.from clothes to everything. just because i suck at judging what looks good on me. :))
10.maalala ng mga tao. maging someone. makapagmove ng mga tao. as i always say, i don't want to just touch people..i want to move them. hahahahhhahha :D



back to work!

summer suck the marrow out of life /:)



dahil sobrang makapal ang mukha ko

at tinatamad pakong mag-aral.

gagawa sana ako ng wishlist. pero wala akong maisip kundi gummy bears, lollipop at hugs. hahahahahahaha. so wag nalang. cash nalang. hahahahhaha.


naleleche ang net namin :| sa loob ng isang sentence na tinatype ko e pwedeng mamatay at mabuhay na muli ang net. so what's up with that. :|

Thursday, May 8, 2008

the man/men of my dreams.

i have three dreams i can clearly remember. of three men. or three dreams of one man. i don't know who that man is...fantasies?:))

una,nung high school. long before the prom season came...napanaginipan kita bumili ng damit para sakin. nakalagay sa kahon...di ko nakita kung ano yung damit pero parang sinabi sa dream na damit nga yon. tas ayun,wala lang.

pangalawa, days after the prom....napanaginipang kita na kinuntiyaba ang host ng prom at pinaakyat ako sa stage at binigyan ng bulaklak. tas ayun,wala lang.

huli ay kamakailan lamang. akap kita. ramdam ko ang hininga mo sa tenga ko,swear. pati yung lambot ng cheeks mo. tas the way you hugged me...it was a squish. tipong di na makahinga at di na balak kumawala. tapos biglang nawala ka bigla. natira lang yung polo mong long sleeves na jologs. silk pa nga e :)) haha. nawala. tapos nakita kitang may kaakap na ibang babae. tapos nung nakita mo ko sa peripheral mo. so bago mo pa ko makita nagkunwari akong di ko nakita na may kaakap kang iba. tas ayun,wala lang.

hahaha ang mushy.

=SUBSTITUTE("you","my heart", "anything") won't do. cause nothing will ever substitute you in my heart. :))

Tuesday, May 6, 2008

flunking life's LT.

i don't know a lot of things. hindi ko alam pano isasalita ang maraming bagay...at bagamat sinabi kong ewan,the fact na sinabi kong ewan means i feel something. i'm sorry i don't know. but i know i'm crying right now. and guess what i don't know why.

Monday, May 5, 2008

overload

:| stream of consciousness coming up::

chuck. nerds!! gummy bear+piglet+pooh!! chinese outline to pass tomorrow. itm. ITM. ITM!!!! how to answer that last question. how to answer that other question. why didn't i rank again? NERD HERD!!! "Stepped out", huh? stepped out of my life? thought you were my friend. i like you today, tomorrow i won't. SQUISH YOUUUUU. largest,hello. chuck. chuck. i wanna watch house. i wanna have a happy birthday. wow now that i think of it, i don't have that much to think about! "hello"! :-< you're boring me. srsly. chinese!chinese report T_T i don't like reports. i need nice ideas. i wanna write a poem about the whispers of the rain. i have to write an article for matanglawin. i still don't have any contacts for Baranggay-LS[in case you have,please let me know.] i'm leaving. ilocos....isaw with friends. sleep. sigh. fine i'll write the poem...to clear my head.

--------

ang mga diwata ng ulan[?]

lumingon ako sa aking kanang balikat. sabay balikwas sa kabila. ano yun? bumubulong ang ulan. nagtatawanan at tila may tinatagong sikreto. marahil ang sikreto ng kanilang pamamalagi sa mundong hindi kanila. lumalaya. lumalaya na ang mga diwata. ang mga diwatang nakapaloob sa bawat patak ng ulan. sa sandaling mabasag at mabuksan ang salamin nilang sasakyan, kumakalat ang mga nilalang; nagtatawanan at naghahabulan. ang pakiramdam ng patag at tiyak na lalapagan ay nakapagpapasabik sa mga nilalang. sa bihirang pagkakataon lamang sila nakatatakbo--ang pagyapak sa matigas na lapag nang hindi lumulusot at hindi lumilipad. at habang pilit na nilulunod ko sa panandaliang ingay ang bulong ng mga nilalang, dahan-dahang nanunuyo ang ulan at nabubuo muli ang salaming mga sasakyan. aangkas muli ang mga nilalang at babalik sa kanilang dapat kalagyan.

Saturday, May 3, 2008

lumulutang na mga pangako

sana'y wag kalilimutan.

mag-uuwi ako ng Happy meal mamaya.

nood tayong sine, a?

masarap 'to. padadalhan ko kayo.

iwaglit na natin ang nakaraan.

friends?

minsan,mag-uusap tayo.

babayaran na kita.

titigilan ko na 'to.

sa susunod na taon, tatawag ako...

pangako.